Sa panahong bago pa kami mag-asawa ng kabiyak ko, isa sa pinag aawayan namin ay ang uri ng pagkain, dahil hindi ako mahilig sa maasim, pero sya halos lahat ng putahi dapat maasim. Pagdating sa isda, nilalagyan nya ng iba kundi yong tinatawag nila dito na langkawas, iwan ko kung ano tawag sainyo nyan, bastat maasim talaga sya. Halos sa araw-araw na yon yong natitikman ko eh, na aadapt ko na rin.
Gaya nitong danggit, niluto nya yan gamit lang ng langkawas and luya. Masarap pag sya ang magluto, wala ang langsa o anumang amoy ng isda kahit na ang isda ay hindi bago or presko. Mahilig talaga sya sa maasim, at yun ang special nya. Doon ko nalaman na ang mga Ilonggo pala ay mahilig sa maasaim, pero hindi naman talaga sila dugong Ilonggo parang na aadapt lang din nila sa paligid at ito na ang nakasanayan. Masarap at walang amoy ang isda, totoo nga na masarap sila magluto.
Kung gusto nyo, instead na kung ano-anong sangkap, langkawas, luya at bombay nalang ang ihalo nyo sa isdang paksiw. Masarap at walang ka amoy-amoy.