Project daw sa....

in ingat •  6 years ago 

MAG-INGAT. Hindi lahat ng nagsasabing may project sa ganitong lugar o dito ay totoo... Yung iba namemera lang at maaari ka pang hold-up-in o higit pa.

Ano mararamdaman nyo sa ganitong set-up: Isang certain "Ben" ang dati na naming naka-usap at noong panahong iyong ay puro bayad ng "accreditation fee" na P50,000 ang sinasabi para sa mga kumpanya na pagpapasahan ng bid. Skeptic kami at hindi sya pinatulan.

Nitong nakaraan lang ay araw-araw akong tinatawagan ni Ben dahil marami raw project sa isang "Freeport zone" na malapit sa Manila. Sasamahan nya raw ako sa office ng kakilala nya. Katulad ng dati magdala raw ng P50,000.00 para sa accreditation fee. Sabi ko hindi ako interesado. Sabi nya mag-refer na lang daw ako ng ibang contractor.

Kinwento ko ito sa isang kaibigan ko na Contractor. Sabi nya subukan daw namin. Tuwang tuwa si Ben nang marinig nya ito. Tinanong ang pangalan ng kumpanya para i-check sa data ng office kung may record or otherwise.

Sa araw ng usapan pinaalala ni Ben ang P50,000.00 na accreditation fee. Tinatanong din nya ang modelo, kulay at plate number ng sasakyan na dadalhin namin. Ilang ulit din ang tanong nya kung ilan kaming pupunta.

Ano mararamdaman mo kung ikaw nasa kalagayan ko?

Pagdating namin sa lugar ng tagpuan, hindi na sumasagot si Ben sa dalawang ulit kong tawag. Nung tumawag ako ng pangatlo, pang-apat, at panglimang ulit nakasarado ba ang cellphone ni Ben.

Dahil dito tumawag ako sa office ng pupuntahan namin. Wala raw accreditation fee at wag daw maniniwala sa ganun. Nasa Philgeps na raw ang list ng mga project. Bibili na lang daw ng bidforms. Dahil dito umuwi na lang kami.

Habang binabaybay namin ang expressway, tumatawag si Ben at hinahanap kami.

Salamat sa Diyos!

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!