KAIBIGAN KA BA NG DIYOS?

in inspiration •  7 years ago  (edited)

C517CB04-372A-42DD-99C5-BE080CC261AF.jpeg

KAIBIGAN KA BA NG DIYOS?
(Are you a friend of God?)

“Hindi ko na kayo itinuturing na alipin, dahil hindi alam ng alipin kung ano ang ginagawa ng kanyang amo. Sa halip, itinuturing ko na kayong mga kaibigan, dahil sinasabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama.” (Juan‬ ‭15:15‬)‬‬‬‬

2E5C7D8E-A830-4E20-A2A9-C744C355A40B.jpeg

Nararapat lamang na tawagin Niya tayo na mga ALIPIN sapagkat Siya’y Panginoon, subalit tinawag Niya tayo na Kanyang mga KAIBIGAN. Nakalulugod na malaman na PINILI Niya tayo bilang Kanyang mga kaibigan.

Dahil Siya ay ating Panginoon, marapat lamang na sundin natin ang Kanyang mga utos ng walang pag-aalinglangan. At sa pagsunod natin, sinusunod natin ang Kanyang utos na mahalin Siya ng buong puso, buong kaluluwa, buong pag-iisip at buong lakas (Marcos‬ ‭12:30‬).‬‬

8C7907E8-E00B-4022-BE85-DCBDD997F536.jpeg

“Hindi kayo ang pumili sa akin kundi ako ang pumili sa inyo, para humayo kayo at mamunga ng mga bungang mananatili. Sa ganoon, anuman ang hingin ninyo sa Ama sa pangalan ko ay ibibigay niya sa inyo.” (Juan‬ ‭15:16‬)‬‬‬‬

3E0E98C3-85DE-40CC-9ECD-2916C29B9D40.jpeg

Ang Panginoon Hesus ang UNANG PUMILI SA ATIN – Kanyang ipinadama ang Kanyang pag-ibig sa atin sa pamamagitan ng pag-aalay ng Kanyang buhay sa krus ng Kalbaryo upang tayo ay makasama Niya sa Langit sa magpasawalang hanggang panahon.

Ano naman ang ating tugon sa Kanyang alok na pag-ibig sa atin – TATANGGAPIN BA NATIN O HINDI? Unang una kung hindi naman Niya tayo pinili, wala rin naman tayong maaaring gawing pagpipili.

Pinili Niya tayo bilang Kanyang mga kaibigan noon tayo ay hindi pa kaibig-ibig dahil sa ating mga kasalanan (Mga Taga-Roma‬ ‭5:8‬).‬‬‬‬

“Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pag-ibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin.” (Mga Taga-Roma‬ ‭5:8‬)‬‬‬‬

59674A0E-3414-491C-B7B9-0A122FF613B4.jpeg

PAANO MO MAAARING MAGING KAIBIGAN ANG DIYOS?

  1. TANGGAPIN mo na ikaw ay nagkasala at hindi nakarating sa kaluwalhatian ng Diyos.
  2. PANAMPALATAYAAN mo na ang pagkamatay ng Panginoong Hesus sa krus ng Kalbaryo ay sapat ng kabayaran sa lahat ng iyong pagkakasala.
  3. IKUMPISAL mo na tanging ang Panginoong Hesus lamang ang Panginoon at Tagapagligtas ng iyong buhay.

KUNG NAIS MO NA IKAW AY MAGING KAIBIGAN NG DIYOS, SABIHIN MO ANG PANALANGIN NA ITO:

Ama sa Langit, salamat po sa Inyong pag-ibig na Inyong ipinadala ang Inyong bugtong na Anak na si Hesukristo upang mamatay sa Krus ng Kalbaryo para sa aking mga kasalanan. Tinatanggap ko po na ako’y nagkasala at ang kabayaran ng aking mga kasalanan ay kamatayan sa dagat dagatang apoy ng impiyerno. Pinanampalatayaan ko po na ang kamatayan ni Hesus sa krus ay sapat ng kabayaran sa lahat ng aking mga kasalanan. Ikinukumpisal ko po na si Hesus lamang ang Panginoon at Tagapagligtas ng aking buhay. Sa pangalan ni Hesus ito po ang aking panalangin may pasasalamat, Amen.

KUNG IYONG IPINANALANGIN ANG PANALANGIN SA ITAAS, KAIBIGAN KA NA NGAYON NG DIYOS (IF YOU HAVE PRAYED THE ABOVE PRAYER, YOU ARE NOW A FRIEND OF GOD).

SA DIYOS ANG PAPURI AT KALUWALHATIAN!

The above article was previously posted in my FB page, see the link:
https://www.facebook.com/preciousstonesindarkness/posts/456590551379347
The attached photo verses were downloaded from Google and edited in PS Express.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Hi! I am a robot. I just upvoted you! I found similar content that readers might be interested in:
https://www.facebook.com/preciousstonesindarkness/