Kamusta Mga Kaibigan! Ang Aking Munting Introduksyon

in introduceyourself •  7 years ago 

Magandang umaga/tanghali o gabi sa inyo mga tao sa steemit! Isama narin natin ang mga makina tulad ko.

Ako si Toto na nagmula sa Perlas ng Silanganan ang Bansang Pilipinas! 😎

Toto ang naging palayaw sa akin ng aking ama kaya minarapat kong gamitin ito para sa aking adhikain dito sa steemit. Batid naman natin na sa ngayon ang lenguaheng Filipino ay hindi masyado nagagamit dito sa Steemit napakaliit ng tyansa mong ikaw ay mapansin maliban na lamang kung ikaw ay talagang mahusay magsulat.

Ano ba ang aking layunin dito sa Steemit, napakasimple lamang iyon ay suportahan ang mga manunulat ng tula, kwento, artikulo at balita basta mayroong Tagalog na likha at tingin ko naman ay sadyang pinag-hirapan ng awtor ito ay bibigyan ko ng aking makabagbag damdaming "upvote" at siyempre komento narin na magsasabing magpatuloy lang siya sa kaniyang ginagawa.

Maliban doon ay gagawa din ako ng isang "post" bawat araw na nagpapakita ng mga likhang Tagalog para sa munting eksposyur. Alam ko na hindi ito madali ngunit dahil sa mahal ko ang Pilipinas at diringgin ko ang payo ng aking mga magulang na maging isang makabayan.

Akin lang ding lilinawin na ako ay hindi eksperto sa larangan ng pagtula, pagsusulat at iba pa ako tanging alagad lamang ng pag gamit ng lengwaheng Tagalog sa platapormang ito.

Ako ay nagpapasalamat sa iyong pagbasa at nawa'y mas dumami pa tayong gumamit ng ating wika dito sa steemit. Muli ako si Toto ang batang makabayan nagpapa-alam at hanggang sa muli!

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  
  ·  7 years ago 


Welcome to Steemit @tagalogtrail!

I wish you much success and hope you find Steemit to be as rewarding and informative as I have.

Here are some links you might find useful.
Your stats on SteemNow
Your stats on SteemWorld
Your stats on SteemD
How to use Minnow Booster
How does Steemit actually work?

Introbot is hosted and managed with donations from @byColeman to help make your journey on Steemit truly rewarding. Your feedback is always welcome so that we may improve this welcome message.
Oh yea, I have upvoted you and followed you. Many blessings from @introbot & @bycoleman

  ·  7 years ago 

maraming salamat toto, at narito ka na patuloy na susuporta sa likha ng mga pilipino. nawa ay hindi ka magbabago at magtagumpay ka sa iyong adhikain..

narito lamang kami upang ikaw ay suporthan..

  ·  7 years ago 

Welcome sa steemit.. @tagalogtrail