Pagkakaibigan

in kaibigan •  6 years ago 

Sa pagkakaibigan ay Hindi mahalaga ang laging nag uusap upang matawag na isang magkaibigan,ang mahalaga sa pagkakaibigan kung nag dadamayan kahit na Hindi araw araw ay nag uusap o nagkikita man lang,Hindi sa lahat ng oras sila laging nagkakasama,ang mahalaga sa pagkakaibigan ay kung may suliraninan mang dumating sa isa sa kanila ay Hindi na magsabi kung Hindi alam na agad ang dapat gagawin sa isang kaibigan, napakasaya ng may mga kaibigan kang handang tumulong sa lahat ng oras na kailangan sila,kahit na may tampuhan man na darating alam ng isat isa mung paanu iaayos,ang pagkakaibigan ay daig pa ang tunay na pamilya dahil sa may mga pasanin natin sa buhay na Hindi lahat ay nasasabi sa ating mga pamilya,kaya laking pasasalamat natin sa ating mga kaibigan na laging nandyan sila sa ating tabi na handang dadamay anu mang oras natin sila kailangan.

Alam nating lahat na sa anu mang pagsubok ay handa ang ating mga kaibigan na tutulong sa atin,kaya pasasalamatan natin sila dahil nanatili sila sa atin kahit na Hindi natin sila kadugo,napakaswerte natin na mayroon tayong mga kaibigan,dahil sa lahat ng pagkakataon na kailangan natin sa kanila kahit na Hindi tayo palaging nakikipagkita sa kanila o Hindi palaging nagkakausap ay andyan sila palagi para tumulong at makinig sa lahat ng ating mga hinaing sa kanila,kaya kung anu mang dumating na pagsubok sa ating mga kaibigan ay huwag din natin silang pababayaan, gagawin rin natin ang lahat na ginawa nila sa atin,handa rin tayong magsakripisyo alang alang sa ating mga kaibigan, Hindi man natin matutumbasan ang kanilang ginawa sa atin ang mahalaga ay nakikita nila kung gaanu sila kahalaga sa atin,at lalo na ituring natin sila na isang tunay na kadugo natin.

Dahil alam nating lahat na bibihira lang sa ngayon ang may mga tunay na kaibigan,Hindi lahat ng tao dito sa mundo ay may mga tunay na kaibigan, ang ating mga kaibigan ay sila ang ating pangalawang pamilya,kaya iingatan natin kung anu mayron tayo,dahil alam nating lahat na ang isang tunay na kaibigan ay parang isang treasure sa atin dahil bibihira lang sa ngayon ang may mga tunay na nagpakita ng magandang ugali,karamihan sa ngayon ay pawang mga pakitang tao lamang,kaya malaking biyaya sa atin na may mga tunay na kaibigan tayo kahit na Hindi sa lahat ng sandali silay ating nakakausap at nakakasama,ang mahalaga anu mang oras nakailangan natin sila ay handang tutulong at andyan sila sa ating tabi na mga sandali na kailangan natin sila.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!