KAY SARAP SA PAKIRAMDAM NA MAGING BAHAGI NG KALIKASAN

in kalikasan •  6 years ago 

Mabuhay #esteemians #steemians!

Ilang araw na rin akong nakakaramdan ng pananakit ng ulo, mahapdi ang mga mata. Marahil dala ito ng labis na pagbababad sa harap ng computer at cellphone. Minsan hindi makaya ng aking ulo ang araw-araw na pagbabad para lamang makalikha ng isang akdang mailalathala dito sa steemit.
Napagtanto kong mas mahalaga na pangalagaan ang katawan at hindi abusuhin ito dahil ito lamang ang ating ika nga...puhunan.

Mahalaga ay magpahinga saglit at magmunimuni. Pumunta sa isang lugar na kung saan tayo ay makakapagpahinga. Sa lugar na malayo sa kabihasnan. Sa lugar na walang polusyon. Sa lugar na nakakaakit ang mga tanawin. Saan pa kundi ang maging malapit sa kalikasan. Kung saan ang mga berdeng puno at damo ay nakakapagpagaan ng pakiramdam. Ang mga huni ng ibon, ang natural na ihip ng hangin ay nakakapagpagaan sa pakiramdam.

image

image

Gusto kong balikbalikan ang lugar na ito. Ang lugar kung saan ako ay naging bahagi ng kalikasan. Sana marami pa ang ganitong lugar na aking makikita hanggang sa aking pagtanda. Nawa'y maranasan din ng aking anak at sa susunod na henerasyon ang kagandahan ng kalikasan at hindi lamang pawang nababasa at nakikita sa mga aklat sa paaralan.

Sana'y marami pa tayong handang magpahalaga at alagaan ang Inang Kalikasa.


Blessed and grateful! I am thankful for being a part of the @gratefulvibes community by #papabear @paradise-found.

P.S. please support my witnesses @good-karma, @cloh76.witness and to the person who inspires many, Sir Terry @surpassinggoogle by typing @steemgigs in the first search box.

To cast your vote visit https://steemit.com/~witnesses

Maraming Salamat!

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!