Isa sa napaka importanteng bahagi ng katawan ay ang kamay

in kamay •  7 years ago 

13122959_1711334952455312_7264005838682956141_o.jpg

Sabi nila hindi raw nakasalalay ang aging magandang kinabukasan sa ating mga kamay dahil papaanu ang iba na walang kamay,ay wala na bang magandang kinabukasan na marating?

Hindi nakasasalay ang magandang kinabukasan natin sa ating mga kamay, nakasalalay ang ating kinabukasan sa atin kung paanu tayo magtiis sa hirap at paanu natin gawan ng paraan para sa ating magandang kinabukasan, ngunit napakahalaga sa atin ang ating mga kamay, dahil kung wala tayong mga kamay ang hirap ng ating buhay,papaanu natin magagawa ang lahat ng Gawain sa pang araw araw na magaan kung wala ng kamay na gagawa,kaya dapat nating pahalagahan ang parte ng ating katawan dahil itoy pinakamahalaga sa atin lahat.

Dahil alam nating lahat na may mga kapwa natin na Hindi kumpleto ang parte ng kanilang katawan, kaya malaking pasasalamat natin sa ating panginuong maykapal na binigyan niya tayo ng kumplitong bahagi ng ating pangangatawan,dahil alam nating lahat na siya ang may kapangyarihang bumuo sa ating mga tao dito sa mundo,kaya mamahalin natin kung anung mayron tayo dahil swerte tayo dahil sa bigay ng diyos sa atin.

kaya dapat nating ipagpasalamat ang lahat lahat sa ating panginuong may kapal,sa Hindi matatawarang bigay niya sa atin,kahit na alam nating lahat na tayo at Hiram lang ,malaki pa rin ang utang na loob natin sa ating panginuong diyos dahil sa biyaya na ating natanggap na walang kapalit,dahil madami dito sa mundo ang may mga kapansanan sa buhay ngunit sila masaya parin at Hindi nawawalan ng pag ASA,tayo pa kaya na komplito ang bigay ng ating panginuong diyos, kung anu mang pag subok ang dumating,magpakatatag tayo,Hindi mawalan ng pag ASA ,dahil habang tayoy may buhay may mga pasanin sa buhay,kaya maging masaya kung anung mayron tayo at itoy pakamamahalalin at pahahalagahan,at itoy ating iingatan,at higit sa lahat huwag tayong malimot na magpasalamat lagi sa ating panginuong diyos sa mga biyayang bigay niya sa ating lahat,dahil alam nating lahat na siya ang may ari kung anung mayron tayo ngayon,siya ay ating pupurihin.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!