Isang malalimang pagtalakay patungkol sa mga produkto ng Kleros at pagkukumpara ng ekosistema nito sa iba pang mga proyekto sa kriptograpiyang pananalapi at iba pang gamit-kaso para sa komunidad sa buong mundo

in kleros •  4 years ago 

image.png

Maligayang pagdating muli sa aking blog mga kababayan. Nandito nanaman ako upang ibahagi sainyo ang isa nanamang pagtatalakay ng tungkol sa Kleros. Sa aking paksa para sa ngayon, ating hihimayin ang iba't ibang produkto ng Kleros ng mas malalim at magbibigay ako ng mga halimbawa na kung saan ay maaari nating gamitin ang korte ng Kleros at iba pang desentralisadong mga aplikasyon na nakapaloob dito para sa ating pang araw-araw na buhay at maging sa mga negosyo na online na ngayon.

Note: Lahat ng imahe ay may pagkredit sa may gawa sa mga link na nakalagay sa artikulong ito.

Pinagkunan: https://kleros.io/en/

wow.png

Una sa lahat muli, nais kong ipaliwanag, bakit nga ba nabuo ang KLEROS? Unang una, base sa aking pananaliksik ng patungkol sa mga gawain online at lalong lalo na sa mga transaksyon na may kinalaman sa pera at serbisyo online, karamihan at karaniwan sa mga ito ay di magkakakilala ng personal. Kung kaya sa online lang sila na mundo nagkakakilala maging sa mga transaksyon ay doon lamang din nila ito ginagawa. Ano ang delikado sa ganitong pamamaraan ng transaksyon? Nariyan ang mapeke ka ng produkto na iyong binilhan, magoyo ng di inaasahan kung ikaw ay nagtatrabaho para sa isang employer online o maaari ding di ka nasiyahan sa resulta ng pinagtrabahuan ng isa sa iyong empleyadong freelancer mula sa kabilang dako ng mundo at marami pang iba.

Dito nabuo ang konsepto ng Kleros at iba pang mga produkto nito upang matulungan ang mga taong may integridad at patas na nakikipagtransaksyon online o mapa offline man para makuha ang karapat dapat na hustisya na para sa kanila.

Dito sa artikulo naman na ito, pag-uusapan natin kung bakit natin kailangan ang KLEROS at PINAKION na token upang mapaganda at mas mapabilis ang sistema ng paghuhukom at ano pa ang maaaring ma-iapply na gamit ng mga desentralisadong aplikasyon ng KLEROS sa ating pang araw araw na buhay.

wow.png

Mga produkto ng KLEROS at kung saan-saan pa maaari itong pag-gamitan sa iba't ibang industriya sa Pilipinas

1. Korte ng KLEROS

https://court.kleros.io/

---> Sa korte ng Kleros, dito ay maaari kayong maging hukom o taga arbitraryo ng mga kaso mula sa mga simple hanggang sa pinakakomplikado at teknikal na mga kaso. Naipahayag ko na ang mga patungkol dito sa mga nauna kong mga blog na naipost. Sa ngayon, pagtutuunan natin ng pansin ang iba pang maaaring pag-gamitan ng Korte ng Kleros. Unang una ay ang tinatawag na 'Small Claims' na korte. Nasa use-case na din ito ng Kleros pero ihahambing natin ito at gagawan ng paraan upang mailagay sa ating heograpiya sa Pilipinas kung saan tayo naka setting na lugar.

Marami sa atin ang nangangailangan ng namamagitan patungkol sa usaping salapi lalo na sa 'utang' ng isang tao. Dahil sa ating batas sa Pilipinas na walang nakukulong sa utang, karamihan sa mga nautang ay nagagalit pa sa mga nagpapautang sakanila o kaya naman ay di na nagpaparamdam. Maproseso ang small claims na korte ng Pilipinas at kung minsan ay hindi sapat ang suporta o napakatagal ng proseso na kung saan kung ikaw ang nagpautang ay pababayaan mo nalang na di ka bayaran dahil mas malaki pa ang iyong gagastusin kumpara sa iyong makukuha sa umutang sa iyo.

Kung kaya narito ang 'Small claims court' ng Kleros upang maaari natin itong gamitin sa ating hudikatura at maaaring maging tulay upang maging mas mabilis at maayos ang pagaayos ng mga utang ng isang tao at mabayaran ang isang taong inutangan. Kung nais mong makibahagi at makatulong sa mga pilipinong nangangailangan ng hustisya din kung ikaw ay may reklamo o claim mula sa isang kumpanya o tao, maaari mong gamitin ang Kleros korte upang mapadali mo ang iyong pagaarbitraryo para sa iyong ihahain na mga kaso at maresolba ito kaagad.

Muli, kung ikaw ay bago lamang na nakita ang aking post na ito, kung gusto mong makakuha ng PINAKION(PNK) at makapagsimula sa pagiging hukom/arbiter ng isang kaso, heto ang mga sumusunod na hakbang upang makabili ka ng PINAKION upang maitaya sa mga korte na nais salihan at magbigay ng kaayusan at tiwasay na pag-iisip para sa mga pilipino.

May dalawang paraan na pinakamadali para sa akin ang isheshare ko sainyo para makabili ng Pinakion dito sa Pilipinas. Una, ang paggamit ng Coins.ph at ang isa naman ay ang ABRA. Parehas silang may mobile app kaya madali para sainyo ito.

Unahin na natin ang ABRA: https://www.abra.com/

image.png

Sa inyong cellphone, pumunta lamang sa website na nasa itaas at iclick ang 'Download app' sa inyong browser. Pagkatapos nyong mai-download ang mobile app, i-open ito at inyong punan ang mga kailangang impormasyon. Tandaan: Itago ng maigi ang 'passphrase' o 'recovery key'. Isulat ito at ikaw lang dapat ang nakakaalam dahil kung sino ang may hawak nito ay maaaring kunin ang iyong pondo dahil ito ang susi sa iyong pondo palagi.

Kasunod nyan na may app ka na ng Abra, pumunta ka sa 'Add money' at iyon ay iyong i-tap. Mapupunta ka ngayon dito sa screenshot sa baba na ito.

122258227_629720867720280_7543297172819460510_n.jpg

Pumili lamang sa isa sa mga nasa pagpipilian depende sa iyong lapit o layo sa mga branch o mga convenience store gaya ng 7-11. Pabor ako lagi sa 7-11 dahil automated ang kanilang resibo at siguradong papasok sa iyong ABRA wallet ang iyong itinop-up sa iyong akawnt. Kung may malapit na tinatawag na P2P/ peer-to-peer na ABRA teller sa inyong lugar ay maaari ding gamitin iyon.

Kung mayroon ka nang pera pagkatapos mong magdeposit sa iyong Abra akawnt, i-tap mo ang 'exchange' sa iyong app upang maipapalit ang iyong fiat na pera sa Ethereum. Depende sa iyo kung lalahatin mo ang pagpapalit o hindi sa amount na iyong nilagay sa iyong ABRA app. Ito ang pinakamadaling gawin upang makabili ng Pinakion sa mga exchanges na ituturo ko sainyo mamaya.

Inked122762334_2806269776283401_5722533892185070435_n_LI.jpg

Para naman sa Coins.ph, eto ang mga hakbang upang magkaroon ng pondo sa iyong wallet at maipapalit sa Ethereum.

Sa inyong browser, magpunta dito: https://coins.ph/

Makikita ninyo ito.

image.png

Pumili lamang sa mga cash-in procedure o hakbang dito kung saan nyo balak magpondo ng pera sa inyong account pagkatapos nyong gumawa ng akawnt.

image.png

Pagkatapos ninyong mag cash-in, ipapalit lamang itong inyong Philippine peso sa Ethereum.

image.png

Ngayong may pondo na ang inyong Coins.ph o di kaya ay ABRA, magtungo na tayo sa susunod na hakbang. Ang pagpapasa ng ETHEREUM patungo sa isang desentralisadong pitaka na kagaya ng Metamask. Personal ko itong gamit at nadapakadali lang gamitin.

Magpunta sa website na ito sa inyong personal na kompyuter o mobile app
https://metamask.io/

image.png

Mamili sa kung saan nyo balak iinstall ang inyong Metamask na wallet. Maaaring sa inyong kompyuter via Google Chrome extension o di kaya ay sa Ios sa APPLE o sa Android na phone ninyo.
Pagkatapos na makagawa ninyo ng step-by-step na wallet sa metamask at naitago nyo na ang recovery key nyo o private seed, magtungo na kayo o mamili kung saan ninyo nais bumili ng PINAKION para makasali sa desentralisadong hustisya ng KLEROS dito:
https://coinmarketcap.com/currencies/kleros/markets/

Sa oras ng aking pagsusulat, nasa ₱3.29 PHP ang presyo ng isang PNK.

Pili nalang kayu kung saan nyo nais ipapalit ang inyong Ethereum sa PNK. Ang akin, rekomendado ko ang Uniswap dahil madali ito gamitin. Iconnect nyo lang ang Metamask wallet ninyo at iclick ang swap at hanapin ang PNK o i-click mismo ang pares ng PNK/ETH sa link dito https://coinmarketcap.com/currencies/kleros/markets/

image.png

image.png

Di lamang mga maliliit na kaso ang pwedeng hawakan sa Korte sa Kleros. Ito muli ang screenshot kung saan ano ano ang maaaring malitis na mga kaso depende sa iyong ispesyalti.

Pinagkunan: https://court.kleros.io/courts
image.png

2. Kleros ESCROW

https://escrow.kleros.io/

---> Marami sa ating mga kababayan ay mga online sellers at online buyers dahil dito ay madali makipagtransaksyon. Karamihan sa mga alam natin ay may mga grupo sa social media katulad ng nasa screenshot sa baba:

image.png

Dahil itong mga grupong ito ay hindi naman regulado ng Facebook, maaaring pamugaran ito ng mga taong walang integridad o mga scammer sa mga bagito sa pakikipagtransaksyon online. Ilan sa halimbawa na nakikita ko madalas ay ang mga produkto kuno ay may sira na o di kaya na imbis na totoong produkto ang laman ng nasa kahon o package, ang laman ay bato o di kaya ay buhangin. Nakakainis hindi ba? Kung kaya narito ako upang ipaalam sa mga Pilipino na meron na ngayong desentralisadong escrow na di na kailangan pang magpunta sa bangko o sa mga napakamahal na mga escrow services.

image.png

Sa pamamagitan lamang ng Escrow service ng KLEROS, maaari kang gumawa ng mga kondisyon na kung saan ay kung halimbawang may gustong makipag transaksyon sayo online at kung sya ay tiwalang maayos ang kanyang mga itinitinda at ikaw ay maayos din na mamimili, maaari nyong gawin ang Escrow na serbisyo upang pag mameet ninyo ang mga kondisyon na kung saan maayos ang iyong nabili na produkto ng iyong Ka-escrow, awtomatikong mapupunta ang pondo sa nagbebenta ng produkto at masasatisfy na ang Escrow sa ilalim ng Kleros. Ganoon kaganda ang paggamit ng Kleros na Escrow sa murang halaga pa!

Kung ikaw naman ay nagsisimulang sole-proprietor at nangangailangan ng isang freelancer, maaari mo ding gamitin ang Escrow upang kapag nabuo o natrabaho ng maayos ng isang freelancer ang trabahong iyong pinagawa, mairerelease din ang pera sa kanyang trabaho. Kung may mga dispyut na mangyare sa escrow, dito na papasok ang mga tagapamagitan at mga hukom mula sa Kleros korte upang litisin at bigyan ng resolusyon ang problema.

wow.png

3. Kleros Curate

Source: https://curate.kleros.io/tcr/0xba0304273a54dfec1fc7f4bccbf4b15519aecf15

image.png

Ito ang pinakapaborito kong Dapp o desentralisadong app ng ekosistema dito sa Kleros. Dito ay maaari mong maglagay ng listahan ng mga patungkol sa kahit ano na may kaugnayan o 'relevance' sa isang paksa na nais mong ilista. Dito ay magtatagisan ng galing ang mga iba ibang tao kung ang isang ipinasa sa listahan ay lehitimo na dapat ay naroroon o hindi. Natural na may itatayang PINAKION token at ETH na maibabalik naman sa iyo kung tama ang iyong inilista at kaaya aya sa mga tao at hindi nalabag sa batas ng Kleros Curate. Maaari mo namang mawala ang iyong mga itinaya kung sakaling hindi tama o hindi naaayon sa criteria ng listahan sa Curate.

Saan maaaring paggamitan sa Pilipinas ang Kleros Curate?

Magandang tanong iyan. Narito ang isa sa aking mga gamit-kaso o mga naiisip na maaaring paggamitan ng Curate.

A. Listahan ng mga abugado/manananggol na rekomendado sa Pilipinas

--> Karamihan dito sa Pilipinas ay nangangailangan ng abugado. Ang mahirap nga lang, kailangan mo pang maghanap sa internet at di ka sigurado kung ano ang specialty ng isang abugado ay natutugma sa iyong nais kunin na serbisyo. Makatutulong ang Curate upang makahanap ka ng abugado na naaayon sa iyong hinahanap sa iyong kaso o spesyalisasyon ng isang abugado. Maaaring gumawa din ng listahan ng mga abugado na pangpubliko o public attorney's office para sa mga mahihirap nating kababayan o pang pribadong abugado din. Makakasigurado kang maayos ang listahan sa Curate dahil ito ay may komunidad na nakaranas na malamang sa serbisyo ng isang abugado mula rito na ililista o di dapat ilista.

B. Listahan ng mga freelancer na maayos magtrabaho sa Pilipinas

---> Kung ikaw ay nais maghanap ng mga freelancer upang gumawa ng iyong pinapatrabaho, maaari mong maglista o magcheck dito depende sa iyong kayang ipasweldo o badget para sa isang tao. Sa listahan na ito ay ang komunidad ang magkokontribyut ng mga irerekomenda nila na freelancer para sa isang trabaho. Kung may isang kliyente ay nakita ang isang freelancer na di nya nagustuhan ang trabaho nito, maaari nyang hamunin ang pagpapalista ng freelancer na iyon at kailangan nyang magbigay ng ebidensya kung bakit ang isang partikular na freelancer ay dapat matanggal sa listahan. Sa korte ng Kleros muli ay magkakalitisan muli at silang mga hukom ang magdedesisyon kung kailangan bang tanggalin ang isang freelancer sa listahan o dapat manatili base sa ebidensya. Kung may magandang track record na ang isang freelancer naman, maaari mong kunin ang serbisyo nito at gamitin ang Escrow ng Kleros para sa serbisyo nitong desentralisado.

C. Listahan ng mga lehitimong nagbebenta sa Shoppee at Lazada na online stores mula sa Pilipinas

--> Marami sa ating mga kababayan ang namimili online. Kung kaya nga sikat na sikat ang Shoppee at Lazada.

Pinagkunan: https://shopee.ph/
image.png

Pinagkunan: https://www.lazada.com.ph/

image.png

Ngunit kalakip nito ang mga online seller/nagbebenta na maaaring scammer o di lehitimo. Kung kaya maaari ay gamitin natin ang Curate ng Kleros upang magkaroon ng mga lehitimong seller na kung saan maaari mong maasahan na maayos ang iyong transaksyon. Maaari mo ulit gamitin ang Escrow kung nais mong makipag transaksyon sa isang nagbebenta online ng isang produkto. Kung isa itong nagbebenta at nasa Curate din sya, malamang sa malamang ay papayag ang mga iyan ng Kleros Escrow. Sa ngayon alam kong nakikita nyo na interkonektado ang mga dapp sa Kleros at ano pa ang maaari nitong maging benepisyo sa ating mga Pilipino at buong mundo din.

May ikukumpara nga pala ako na mga platform sainyo at kung bakit mas maganda ang Kleros Curate. Narito sa ibaba

image.png

4. Kleros OMEN market

Pinagkunan: https:// gateway.ipfs.io/ipfs/QmbB3wA5R2PR8s87pJRSUCcBHRxAtfFtkSWmVWEcHsaFeV/#/

---> Isa sa mga naiisip kong magandang pag-gamitan ng OMEN market ng KLEROS para sa mga pinoy ay ang mga sarbey na kung saan maaaring bumoto at mapulsuhan ang talagang sinasaloob ng masa patungkol sa mga kasulukuyang pangyayari sa bansa at mga balita sa ating bansa. Maaari gamitin ito ng mga kumpanya o media upang alamin kung saan o ano ang kanilang boto o napupusuan na mangyayari patungkol sa isang taya. Maaaring magtanong ng sa iba't ibang kondisyon. Maaaring oo o hindi ang isang katanungan, maaari ding kung saan ka tataya sa isang grupo o ilan ang maaaring lumabas na resulta sa isang tanong.

Ang isa sa naiiisip ko na maaaring pag-gamitan ay ang botohan. Maaari ding gamitin ito sa mga isports gaya ng basketball, boxing at iba pang sports na kung saan ay maaari mong mapanalunan ang nakapool na pondo kapag tama ang iyong tinayaan. Maaari din ito sa sabong ng mga manok kung nanaisin ng mga nagsasabong online. Ito ang sample na screenshot mula sa OMEN market na pangbuong mundo.

Pinagkunan: https:// gateway.ipfs.io/ipfs/QmbB3wA5R2PR8s87pJRSUCcBHRxAtfFtkSWmVWEcHsaFeV/#/

image.png

wow.png

Papaano ninyo naman kukunin ang pera kung sakaling nanalo kayo sa isang kaso na inyong hinuhukuman papunta pabalik sa piso? Eto ang mga istep.

  1. Magpunta sa Kleros markets https://coinmarketcap.com/currencies/kleros/markets/

  2. Mamili ng inyong merkado kung saan iswaswap ang inyong PNK pabalik sa ETH

  3. Ipasa ang inyong napalitang PNK sa ETH patungo sa ETH address ninyo sa ABRA o Coinsph. Gamitin ang receiving address sa Coinsph o ABRA. Tignan mabuting tama ang inyong papasahan. Dahil di na reversible o di na maibabalik ang transaksyon kung naipasa na ito sa blockchain.

  4. I-convert ang ETH na nakuha mula sa inyong METAMASK wallet at icashout ito sa inyong napiling cash-out na outlet. I-enjoy ang inyong pinagpaguran!

Maraming salamat muli sa inyong pagtutok sa aking post na ito para palawigin pa lalo ang kaalaman at aplikasyon ng KLEROS para sa ating mga Pilipino.

Narito ang mga iba pang impormasyon para sa KLEROS at kung nais nyo pa ding makita ang iba nilang produkto

Website: https://kleros.io/en/

Whitepaper: https://kleros.io/whitepaper_en.pdf

One-pager: https://kleros.io/onepager_en.pdf

Kleros Curate: https://blog.kleros.io/kleros-curate-announcement/

Blog: https://blog.kleros.io/

Social media channels

Facebook: https://www.facebook.com/kleros.io

Linkedin: https://www.linkedin.com/company/kleros/

Github: https://github.com/kleros

Slack: https://slack.com/kleros

Reddit: https://www.reddit.com/r/Kleros/

Twitter: https://twitter.com/kleros_io

Telegram: https://t.me/kleros

About the author
My Metamask eth address connected to Kleros: 0xE90558e78964DF67A69866Bd1d838C2dA2966301

Do you like my advocacy? You can donate cryptocurrencies here:

Donate BTC: 19udCJXqMVcAPgK3tNC7VdVjJirSAsanDK

Donate Ethereum: 0xDFD2144eb8CC1212551d50b00b18a2fEfcf6762b

Donate Dash: XkrQAsEgxMkZSrDkgoQhgoAWSVPhfs5Lyd

Donate Doge: DC6pGognFVU4wrt6AJtkmD7mXRKFepnMZQ

Donate Litecoin: LNKorfrjR12h7Ykx3Ros8kZF5UiUqmotav

#teamphilippines

Here are other of my blogging profiles:
You may also earn cryptocurrencies from here guys!

Publish0x:https://www.publish0x.com/?a=gl9avlrdG1

Hive: https://hive.blog/@frankydoodle

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!