maikling kwento

in kwento •  7 years ago  (edited)

IMG_1514.JPG

"Sa dagat at lupa"

Sa malayong lugar ng kabihasnan may isang batang nakatira 'di kalayoan sa dagat. Pau ang tawag ng kanyang mga kakilala. Ang batang ito ay mahilig mag isa kasi umiiwas nalang sya sa pambubully ng ibang mga bata. Pitong taon pa sya noon ng nag umpisang tumambay lagi sa dagat. Dati nalilibang lang syang pinagmamasdan ang hampas ng alon sa dagat. Ang kapayapaan na ibinibigay sa kanyang isip kapat dito sya nakatambay. Hanggang sa naibigan na nyang mamingwit dito araw-araw pagka galing sa skwela. Kapag walang pasok halos buong araw lang syang andito. Minsan pumunta sya sa dagat dahil gusto nyang umiyak ng malakas dito. May sakit kasi ang ama nya at awang awa sya dito. Umiyak sya ng umiyak habang lumakas ang ihip ng hangin para hipan ang bawat patak ng kanyang luha. Lumipas ang ilang oras at naging tahimik ang paligid ng may lumapit sakanyang batang babae. "Bakit ka umiiyak?" tanong ng bata sakanya. Binalewala nya ito at tumigil sa pag iyak. Napansin nyang 'di umaalis ang bata at panay takbo sa dalampasigan at libang na libang ito. Tumayo si Pau para umalis ng biglang ng salita ang batang babae. "Oi, ako nga pala si Ellabel, antayin kita bukas dito ah". Sabi ng bata, umalis si Pau at sabi, "ako si Pau, bukas nalang tayo maglaro at gabi na." Ngumiti silang dalawa habang naglakad ng ibang direksyon.
Pagka galing ni Pau sa skwela pumunta agad ito sa dagat para maglaro. Nakita nyang andoon na ang bata na nakangiting naka upo sa dalampasigan. Hindi napansin ang ang oras dahil sa sayang naramdaman, dumilim na pala ang paligid kaya hinanap na si Pau ng kanyang mama. Lumipas ang araw, linggo at buwan sila'y naging matalik na magkaibigan. Ngunit sa 'di inaasahang pangyayari sila'y maghihiwalay. Nag desisyon ang mama ni Pau na tumira sa malayo para ipagamot ang kanyang ama dahil ang mga hospital sa malapit ay sumuko na. Nagpaalam sya bago tuloyang umalis. Umiyak sya ng malakas dahil nga bata hindi pa nahihiya at kahit nahihirapan ng magsalita sinabi pa rin nya, "Ellabel, paalam na dahil hindi ko alam kung akoy makakabalik pa. Salamat sa oras at mga ngiti, ikaw ang tunay kong kaibigan." Umiyak din si Ellabel at sabi, "salamat din mag aantay ako sayo kahit kailan pa yan."
IMG_20180710_071914-01.jpeg

Nag umpisa ng maglakad si Pau pauwi at nagpaalam sa dagat. Hindi man nya gustong umalis ngunit kaikangan. Noon sabi nya hindi nya makakalimutan ang lugar na 'to ngunit lumipas ang ilang taon at nakatapos ng pag-aaral. Nagdesisyon ang mama nya na mag asawa sya kahit ayaw nya pa. Hindi nya mahal ang babae at para bang may iba syang nararamdaman. Nagsama muna sila ni Kat bago mag desisyong mag asawa para magkaalaman sa ugali ng isa't isa. Sa umpisa maayos ang pagsasama nila at napamahal na si Pau dito. Pero noong natanggal si Pau sa trabaho ay nagbago agad ang babae. Inaaway sya nito palagi at hindi na sya gaanong pinapansin. Hanggang sa nag desisyon ang babae na iwan sya. Nasaktan sya sa nangyari at hindi na sya makapag isip ng maayos. Lagi syang tulala at hindi na kumakain ng maayos. Napansin ito ng mama nya at pinauwi sya sa probinsya at sinamahan ng mama nya dahil hindi pa to nakauwi simula ng umalis. Pagdating nya sa bahay nila agad itong pumunta sa dagat dahil parang pakiramdam nya gusto nyang pumunta doon.IMG_20180710_093616-01.jpeg

Pag apak nya sa dagat may bigla syang naalala at napa isip. "Kumusta na kaya sya?" Tumambay sya ng ilang oras sa dalampasigan ng may napansin syang naliligo. Babae ito at hindi nya kilala. Hindi nya maalis ang kaba habang pinagmasdan ang babae. Maputi at napakaganda kaya nahihiya syang magtanong dito. Lumuwas ito sa dagat dahil may palapit na bata. Napangiti si Pau at sabi "may anak na pala". hahaha. Palihim pa rin syang sumusulyap sa maganda nyang mukha. May lumapit na lalake at nag usap sila kaya dahan dahang tumayo si Pau para umalis.
Kinabukasan pumunta nanaman si Pau sa dalampasigan at humiga. "Haaay sarap talaga tumambay dito." sabi nya. Sa pagtambay nya dito nakita nya ang bata kahapon kasama 'yong lalake kahapon. Ngumiti ang lalake sakanya at sabi, "pare mukhang bago ka dito ah". Ngumiti din si Pau, "oo pero taga rito talaga ako, sya nga pala anak mo?" sabi nya. "Oo, kaasar nga laging pumupunta sa dagat, nahawa sa tita nya." sagot ng lalake. Tumawa si Pau sabay sabi sa sarili, "parang ako dati ah". Ako nga pala si Pau, sorry for late introduction." sabi ni Pau. "Ikaw pala si Pau, ako si Rex" sagot nya. Nagtaka si Pau dahil parang kilala sya nito. "Kilala mo ako?" tanong ni Pau. Biglang dumating ang babae at tinawag nya ang lalake kaya hindi na nakasagot. "Oi at..." hindi nakatapos ng pagsalita ang lalake dahil tiningnan nya ang lalake sa mata na parang galit na galit. "Oi Pau, ikaw pala yan. Ako pala to si Ellabel." sabi ng babae. Bigla nyang naalala ang pangalan na yan at sinabi, "Oi ikaw pala, kumusta kana, anak mo?" sagot ni Pau. "Oo anak ko." sabi ni Ella. Ngunit bumulong si Rex sakanya pero pinatahimik nya ito at sabi, "Uwi na kami." "Ah hehe, sige ingat kayo at salamat naliwanagan ako sa kaiisip sayo.".sabi ni Pa.
Napatingin si Rex kay Ella sa sinabi ni Pau. Naunang umuwi si Rex at anak nya samantalang nagpaiwan si Ella sa sulok. "Hay naku ate, sabihin muna kasi ang totoo." Sabi ni Rex. Nagpatuloy si Rex sa paglakad at si Ella ay pinagmasdan si Pau. "Haaaaaayyyy sayang may asawa na pala sya, ganda pa rin talaga ni Ella." Malakas nyang sabi at narinig ito ni Ella. Ngumiti ito at umuwi na habang si Pau ay papauwi na rin. Kinabukasan tumambay nanaman si Pau sa dalampasigan habang iniisip ang mga nangyari dati. Kung gaano sya kasaya habang nakikipaglaro. Nanikip bigla ang dibdib nya at sabi, "sana akin kana lang Ella, hehe". "Pwede naman Pau", biglang sabi ni Ella sa ulohan ni Pau. Tumayo agad si Pau, "oi Ella". "Totoo Pau pwede naman, kapatid ko yong kahapon, sinobukan ko lang kung ano ang yong mararamdaman." sabi ni Ella. "Seryoso Ell?" paniguradong tanong ni Pau. "Oo nga" sagot ni Ella. Niyakap ni Pau si Ella at sinabi, "namiss kita, sobra at kaya pala kulang ang buhay ko sa malayo. Andito pala naiwan sa lugar kung saan lupa at dagat ay pinagtagpo."

THE END.

lahat ng larawan ay kuha sa phone ko.
cherrymobile flare j3 lite

try ko lang ng happy ending.hehe

received_2235896030003653.gif

credit by @benotbuday

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

@jhoevee binasa mo ba lahat.haba nyan ah..haha

Ikaw na jud pauldie. Hahaha.. kubalan na siguro imo tudlo pumindot sa kataas. Hahahaha

haha wa man nho nabantajan ky sige kog hunahuna usa type..nalingaw rva kibali, lahi r jd sa naa ky sundogan nga papel..ja ok rag storya?hehe