Nakasasama Mo Pa Rin Bang Mamalengke Ang Nanay Mo Kahit May Sariling Ka Ng Pamilya?

in life •  7 years ago 

Nakapagtapos ka na ng iyong pag-aaral, biniyayaan ng magandang trabaho, nakatagpo ng mamahalin sa buhay at nakapagpasyang magpakasal at ngayon ay may sarili ka ng pamilya na binubuhay.

Pero...

Naaalala mo pa ba noong ikaw ay musmos pa at kasa-kasama ka ng iyong nanay o tatay saan man sila magpunta. Lalong-lalo na sa palengke. Dito naiintriga ka, siyempre maliit ka pa noon at hindi mo pa alam kung bakit ka kasama ng nanay mo. Pero kahit paano namamangha ka sa mga nakikita mo sa loob at labas ng palengke. Ito ang unang pagkakataong kasama mo ang nanay mo. Nariyang maririnig mo siyang nagtatanong ng presyo ng bibilhin niya tulad ng isda, karne, gulay, at iba pa. Dito mo rin naririnig sa kanya ang tumawad sa kanyang pinamimili at nagtataka kang ano ang tawad na iyon samantalang wala namang kasalanan ang nanay mo sa tindera!

Kapag nagawi naman kayo ng nanay mo sa fruit stand ay tuwang-tuwa kasi naroon ang paborito mong prutas at hihilain mo ang laylayn ng palda ng nanay mo at magtatanong ka kung puwedeng makabili ng paborito mong prutas. "Tingnan ko anak kung may budget pa." sabi ni nanay. At kapag nagawi pa kayo ng nanay mo sa gulayan ay kitang-kita sa mata mo ang saya na ang paborito mong kalabasa ay kay sarap tingnan at muli magtatanong ka sa nanay mo. "'Nay puwede kaya, 'nay kalabasa?" tanong mo sa nanay mo. Tumingin ang nanay mo sa kanyang pitaka at napangiti. "O, sige anak, bili tayo basta kaya ng budget." masayang balita ng nanay mo. "Salamat po, 'Nay!" magalak mong pagsagot!

Ang isa sa mga karanasang iyon ay nakakamiss lalo na't nagsisipagtadaan na kayong magkakapatid at saan nga rin ba pupunta ang istorya ng iyong pamilya, e, di tatanda rin naman ang lahat ng mga anak mo na sa kalaunay magisispagtrabaho at magkakapamilya rin! Kaya sa tuwing binibisita mo ang iyong magulang ay lalong naragdagan ang kunot ng ulo mo, kasi, tumatanda ka na rin.

Kaya kung minsan nais mong balikan ang panahong namamalengke kayo ng nanay mo. Kasi hindi na ito mauulit kapag masyado na siyang matanda. Marami nang inirereklamo sa katawan mula sa mata, tuhod, baywang, sa pagtulog, pagkain, daliri, pag-ihi, pagtae, pag-inom ng gamot na hirap ilunok kahit pa may isang baso ng tubig... Marami na talagang nararamdamang sakit kapag tumatanda ka na.

Kaya ko sinasamantala ang panahong ito na magkasama kami ng nanay ko na mamalengke siya, kasi, once na naramdaman na niya ang lahat ng iyon... Iyon na ang panahong kailangang ihanda mo na ang sarili mo sa lahat ng aspekto ng kanyang buhay. Bagama't hinog na siya sa buhay... Siguradong ang pamamalengkeng iyon ang isa sa mga memorableng panahong hinding-hindi ko malilimutan.

Kaya...

Nakasasama Mo Pa Rin Bang Mamalengke Ang Nanay Mo Kahit May Sariling Ka Ng Pamilya?

Sampaloc, Manila
August 27, 2017

Photo Credit MINE

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Naalala ko tuloy nung bata pa ako na kasama ko ang lola ko namamalengke.

Oo nga mam luvabi... Buti ka nga may lola ka pa noon... Ako panahon pa ng after giyera wala na lola ko! Tsk! Thanks!

Meron pa rin until now.she's 93!

Nakakalibang basahin. :)

Slamat mam zararina nag-enjoy mong basahin!

isali na yan sa tula contest

ehehehe ay antonette, e, ano ito story lang... wala pa ako tula dto ehehehe

ang sarap tlgang basahin ung mga gantong post patungkol sa nanay, di ko maalala kung nadala na ako ng mama ko sa palengke

lol sir rye05.... siguro kahit father mo... or tita mo... meron siguro iyan sir... pakialala...

Gawain ko talagang mamalengke. hahaha.

weee... ayos sir frankydoodle!

Hehe mhilig ako sumama noon nong bata pa ako sa Mama ko tuwing mamalengke sia.

Kaya talagang tatak ang memorable moments natin sa ating mga magulang especially ang mga mother natin! Thanks mam roykie17!

Kuya @iwrite , alam kong ako'y nagnonosebleed sa pagbabasa pero ito'y kahanga hanga. Ang aking puso'y naiiyak sa pag alala sa aking ina.

ay sorry bloghound kung naiyak ka... e, one time journey talaga itong pagkakaroon nating ng magulang... at since matanda na tayo... I hope... mapasaya natin sila sa kanilang pagiging matanda...

Kabibisita lang ni mama kanina eh...hatid si Arianni...salamat ulit sa post, kuya :)

ay ayos!

gleng naman po, kaka touch.
Nakaksama ko ang nanay ko mamalengke at magaling den kaming tumawad sa palengke, may suki pa nga eh.

Hahahaha kanino ba tayong mga bata noon na natutong humingi ng tawad, di ba sa mga magulang natin... At unang praktisan natin sa palengke? hehehehe

Galing mong magsulat sir para kang isang dalubhasang makata :)

ay salamat sir... wish lang sa dalubhasa sir...

Nakakatuwang balikan ang mga masasayang karanasang kagaya nito. Noong maliit pa ako may maliit na puwesto sa palengke ang nanay ko noon - nagtitinda sya ng karne at kung minsan isda. Kaya madalas akong tumambay sa tindahan namin. Nakakatuwa na nakakalungkot alalahanin dahil wala na ang nanay ko sa piling namin ngayon. Mahalaga talagang ipadama natin sa mga magulang natin ang pagpapahalaga at pagmamahal natin sa kanila habang naririyan pa sila. Salamat sa pagbahagi nito @iwrite.

(pahid daliri sa mata at parang maluha-luhang basahin ang comment) Oo, mam one tine lang talaga ang magulang sa buhay natin, kaya talagang make the most of it na habang kaya pa ni mother mamalengke.

Sori meyo ma-emo yung comment ko. Haha. Ngayong kasimg nanay na rin ako mas nakaka relate ako sa mga ganitong kwento :)

Looks like the whole vegetable market :)

yes, suny! mother and I bonding together buying some stuff here and there. lol...

Namimiss ko ang aking mama ☺️ 1 month na xa sa Pinas... 10 days pa bago xa bumalik 😔 Magandang paalala sa pagpapahalaga sa oras na maaari nating minsay nababaleeala... 👌

Oo nga... Talagang ganun buhay... Ipagpaumanhin kung medyo senti ang post mga kabayan!

Ayako na magsisi ako kapag nawala ang aking ina, kaya naman talagang pinaparamdam ko talaga na mahal ko sya hanggat buhay pa sya. napaka swerte ko dahil healthy paden si Mama.

Yes... Marami namang kaparaanan para maipakita ang pagmamahal natin sa magulang hindi lang verbal!

  ·  7 years ago (edited)
Naalal ko tuloy ang aking nanay na lola ko... namimiss ko na sya... matagal na akong di nakakauwi... nakaratay na lamang sa higaan ang nanay at ako ay hinhintay... 😢😢😢

Ipagpaumahin mo ginoong kennyroy kung ganyan ngayon ang kalagayan ni nanay mo... ganun pa man... kailangang harapin na natin iyan...

My mother is one of those best moms in the world.

We all have the best mother ehehehe

Ang ganda ng pagkakagawa, ikaw talagay bihasa sa iyong talento bilang manunulat, bigla ko tuloy naalala ang ina kung walang ibang ginawa kundi mahalin tayong mga anak.

#MabuhayKaKaibigan

Salamat ng marami keshawn! Kung minsan talaga kahit kasama mo pa nanay mo sa bahay ay may pagkakataong di kayo nagkakabonding sa sobrang busy mo... Kaya kung may time talaga ako sinasamahan ko siya mamalengke.

Congratulations @iwrite!
Your post was mentioned in the hit parade in the following category:

  • Comments - Ranked 7 with 36 comments

many thanks arcange!

  ·  7 years ago (edited)

Hindi na e may pamilya na ko pero dati gusto ko laging kasama ako mamalengke. Upvote and followed you po.

Kapag malayo na at may pamilya hindi nakakamasa talaga ang nanay. Salamat ng marami mam mhel sa pag-upvote at follow!

Walang anuman...😊

That reminds me the good old wet market days with my mom 😊. Thanks @iwrite 😊.

sir dwightjaden! minsan nga nangungulit pa tayo bilhan ng gusto sa loob ng palengke, siri... hehehe

Haha sa kin mais lng pinabibili ko noon sir @iwrite 😁

Ang importante Sir ay kaya mong mag laan ng panahon para sa nanay mo :) Special day for nanay kumbaga. Pati na rin kay tatay hehehe nakaka miss tuloy luto ni nanay

  ·  7 years ago (edited)

hehehe oo sir... lalo na sa mga anak na malayo na sa magulang... mother is almost 80 kaya I'll give some time na... Wala ng balikan kapag kaput na ang mga magulang natin... Inevitable talaga lahat lalo na sa may mga hininga sa lupa!

Oo nga sir, ako nga eh ang layo ko sa magulang ko. Lakas pa pala ng nanay mo sir nakaka pamalengke pa sa edad nya hehehe

despite na marami nang nararamdaman, oo nakakapaglakad at nakapapamalengke pa... BAWAL siyangang alalayan, for now, magagalit pa sa iyo! hahahaha kamot ulo na lang ako.