Question:
Lagi naten naririnig or nababasa na dapat may Emergency Fund tayo bago mag invest. Remember ito ay katumbas ng 6 months monthly salary mo. Malaki ano po? Mahirap i build.
Mga ka pssg payo naman dyan para sa ibang members naten na currently building or planning to build their EF. Marami sa atin kasi na offset lang ang cash flow. Kung ano pumapasok labas lahat. Ang iba naman kung may matira kakaunte. So hahayaan pa ba naten na mag tagal bago maka pag invest?
For example si pedro may monthly income na 20k so need nya ng EF na 120k. Ang naiipon nya lang is 1k per month, 12k for 1yr. So ibig bang sabihin noon eh mag aantay sya ng 10yrs bago maka pag invest? Baka mapag iwanan na sya.
Real talk: I agree na isa ito sa mahirap ipunin. Hindi lang katulad sa example ni kuya, mahirap din sa mga atat katulad ko na mag invest sa ibang finacial mediums like #VUL, #UITF, #Mutual Funds, #Long Term Time Deposit at #Stocks ang hirap ipunin at ipriority ng Emergency fund.
Bakit kailangan unahin at ipriority pag ipunan ng Emergency Fund?:
Scenario1:
Si Pedo hindi nya inuna yung emergency fund tapos kumuha sya ng #VUL or Variable Linked Insurance kaagad. Hindi nya pa pala namamaster yung habit na pag iipon tapos biglang may hindi inaasahang pagkakataon hindi nya na nahulugan yung VUL ng mahabang panahon or kahit pa yung #term insurance na kasama ng VUL nya. Sayang. Mag lalapse yung policy nya at masasayang yung efforts nya kung wala syang gagawing aksyon.
Scenario 2:
Si Ate O inuna nya iinvest sa stocks, uitf or mutual fund yung inipon nya tapos biglang nagka emergency kaylangan nya na ng pera. Pag check nya sa investment nya negative, may loss or lugi pa pala sya dahil pangit ang takbo ng market sa araw na iyon. Kaso kailangan nya na i pull out yung investment nya ng palugi kasi wala na talaga syang mapagkukunan. Sayang pang long term pa naman sana yun.
Paano ba ang work around sa ganitong problema or dilemma? (personal advise ko lang po ito):
Ang suggestion ko po ihiwalay nyo sya ng budget sa investment or ipon nyo. Let's say gawan mo sya ng sariling #alkansya, #envelope, #jar na hiwalay sa investment mo or kahit bank account basta ihiwalay mo sya. Tapos kung sakali 20 percent ng kita mo ang kaya mo isave sa ngayon. 10 percent muna sa emergency fund tapos 10 percent sa investment fund. Unti unti lang. After 6 months pag medyo nagamay mo na yung pagsasave at pwede mo na dag dagan yung ipon mo na kung dati 20 percent gawin mong 30 percent or more tapos hatiin mo ulit sa dalawa isa sa emergency fund isa savings/investment fund. Paulit-ulit lng hanggang mabuo mo na yung target emergency fund mo.
Ano-ano ba yung paraan para mapadali ang pagbuo ko sa Emergency Fund ko?:
- Ipon Challenge
- Yung portion or yung #bonus or #13th month pay mo idagdag mo sa Emergency Fund mo.
- Alkansya. Yung mga extra barya barya malaking tulong din yan. Every Peso counts.
Saan ba pwede ilagay ang Emergency Fund?:
- Sa Jar, Alkansya, Envelope for starters at maliit pa ang fund basta nakahiwalay sa ibang fund at specific na for Emergency Fund.
- Bank for easy acess. Hanap ka na lng ng may medyo magandang interest rate at accessible sayo.
- UITF of Mutual Fund na nakainvest sa Money Market yung walang holding period at may pinakamababang penalty or zero penalty kahit i redeem mo kaagad.
- Long Term Time Deposit (5 years tax free types)- Pwede hanap ka lang ng walang penalties or yung mababawasan yung pera mo pag kinuha mo ng less than 1 year. Worst case scenario yung interest rate na iaapply sayo ay bababa kaysa sa rate ng 5 year time deposit but hindi naman mababawasan ang fund mo. Magtanong po muna kayo sa banko at sabihin nyo yung ganitong scenario para malaman nyo kung pwede nyo ilagay dito yung emergency fund nyo. Para kung hindi nyo magamit. Win-win pa din kasi mas mataas kaysa regular time deposit yung rate nya.
Ang payo ko po:
Minsan we need not to be very strict sa sarili natin kasi madidiscourage tayo sa pag iipon. Sa simula po kasi parang pag eexercise yan. Sa simula ang sakit sa katawan. Nababanat yung mga muscles at mararamdaman mo talaga yung feeling na parang "nagbabanat ka ng buto" pero pag nasanayan mo na mas gumagaan na sa pakiramdam at mas tumatagal na ang endurance mo mas bumibilis na ang pacing mo sa pag iipon.
Celebrate every milestone or goal achieved kahit gaano ka simple or kaliit para mas motivate ka pa to aim for higher goals.
Happy investing Pinoy Wealth Pinoy Wealth Steward
*Question and idea credits to Mr. Juan Sumulong of Peso Sense Savers Group from Facebook:
Hi! I am a robot. I just upvoted you! I found similar content that readers might be interested in:
http://pwwealthstewards.blogspot.com/
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Yes That's my blog. I'm just trying out to post my blog post here in steem. :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit