Malapit na ang Father's Day🥰

in life •  4 years ago  (edited)

Isang maulap na hapon ng Miyerkules sa inyong lahat aking mga mahal na kaibigan. Magsisimula sana akong magpost kaninang umaga ngunit ako ay biglang naging abala. O mas mainam sabihing bigla na lamang akong nagkaron ng pag kakaabalahan. Inutusan po ako ng aming butihing Chief na magkalkal ng records sa aming bodega. Agad agad naman akong tumalima upang hanapin ang nasabing dokumento.

Natapos ang ilang minuto ay aming nahanap sa tulong ng isa pang kasamahan ko sa trabaho. Nagbalik ako sa aking mesa upang tignan o check ko ang aking selpon. Merong isang kaibigan ang nag text meron siyang tinatanong na verse. Nagpaumanhin ako at sinabi ko ang dahilan dahil mahigit trenta minuto na pala ang nakalipas bago ko pa mabasa ang text niya.

Wala na halos kliyente ang mga oras na iyon. Minabuti kong maghintay hanggang umabot ang oras ng tanghalian. Pagkatapos kumain ay tumingin ako sa aking kalendaryo. Malapit na ang Father's Day. Kaya naman pala medyo may kirot sa puso ko. Nitong nagdaang linggo ay halos gabi gabi akong parang nalulungkot na parang mag-isa ako. Saka ko lamang napagtanto na nami miss ko lang pala ang tatay ko. Hindi ko naman siya napapanaginipan pero naaalala ko siya. At nakakaramdam ako ng lungkot.

received_476554953030374.jpeg

Nagplano na ako na dadalawin siya sa kanyang puntod ngunit alam kong mahihirapan ako sa panahon ngayon dahil sa covid-19. Gustung-gusto ko na talaga siyang dalawin sa kanyang puntod mula pa nong nakaraang taon. Kung alam ko lang na magkakapandemya sa mundo sana pinuntahan ko na siya noon pa. Kulang yong Araw ng Mga Patay na pagdalaw sa kanya. Para sa akin kung malapit lang sana ay kahit araw araw ko siyang puntahan. Ngunit hindi ko pwedeng gawin yan ngayon. Napakahirap. Ipagpapatuloy ko na lamang siyang ipanalangin. Hopefully this pandemic will end soon. At madadalaw ko na ulit siya.🙏👍👍

Malapit na ang Father's Day. Ilang araw na lamang. Its been 4 long years that I have been fatherless and I couldn't help but miss him more each day. Para po sa lahat ng ama ng tahanan, hayaan niyo pong maipaabot ko ang aking advanced greetings na Happy Father's Day po sa inyong lahat. Mabuhay kayo and God bless. 🙏🥰🙏

Thank you so much for your time. God bless us all and let us keep praying for each other and for our world. 👍🙏💚🙏👍

Check this link and join our prayer warrior here in steemit https://steemit.com/christian-trail/@wilx/christians-on-steemit-let-us-follow-and-support-each-other-pt-7-join-the-christian-trail

I am forever grateful to God every day of my life for giving me everything I need and praise Him all the more for not giving me everything I want. To God be all the honor, praise and glory ❤ :-)

I am @sashley a.k.a. shirleynpenalosa, a recipient of God's love, mercy and grace. :-) ❤

Have a blessed Year 2020 everyone :-) ❤

Please do check out @paradise-found's posts and you're welcome to join the @gratefulvibes family curation.


(credits: sis @sunnylife)

Follow us on #gratefulvibes discord channel (positive and uplifting attitude) https://discord.gg/7bvvJG

Let us support @surpassinggoogle as a witness by voting for him, just visit this link https://steemit.com/~witnesses and type in "#steemgigs" at the first search box.

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnessesagain and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

(credits: @bloghound)

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!