Isang araw, habang ako'y naglalakad sa kalye, may nakita akong manika sa basurahan. Kinuha ko ito, ngunit ito ay mabaho kaya dinala ko ito sa aming bahay at nilinisan. Hiningi ng aking pamankin ang manika kaya binigay ko nalang ito sa kanya sapagkat paborito at gusto niya ito. Ngunit, simula noong hawak-hawak namin ang manikang ito ay sunod-sunod ang nangyaring kamalasan sa buhay namin.
Pagkatapos ng ilang Linggo, matapos mapasakamay namin ang manika ay namatay ang ingkong ko. Namatay siya sa di maipaliwanag na sakit. Kahit ang doktor ay di alam ang sakit. Pumunta naman kami sa mga albularyo, ngunit kahit ang albularyo ay di kayang lipulin ang sakit sapagkat napakalakas ng kapangyarihan ng manika.
Dahil sa di maipapaliwanag na pangyayari, tinapon namin ang manika. Ngunit, patuloy lamang lumala ang malas. Namatay na naman ang lelang ko dahil sa di na naman maipaliwanag na sakit. Ang baga, puso, mga mata, at bato ay namamaga. Hindi alam ng doktor ang dahilan ng pag-usbong sa sakit na iyon.
Alas 3 ng umaga, nagising ako dahil naiihi ako. Nagulat ako ng nasa gilid ko ang manika. Hinagis ko ito at tumakbo.
Mahigit 10 albularyo na ang aming nilapitan ngunit di parin nila makita ang dahilan kung bakit nangyari sa amin ang sitwasyong ito sapagkat wala kaming ginawang bagay na hindi maganda sa manika.
Hanggang nakita namin ang albularyo na kayang-kaya lipulin ang mga masasamang espiritu, kahit nga diyablo ay kaya niyang paalisin.
Sabi niya sa amin, "May espiritu na pumasok sa manikang iyan. Gusto niyang maghiganti sa nangyari sa kaniya. Siya ay si Christy, labing-anim na taong gulang babae, ginahasa siya ng tatlong lalake, ngunit hindi niya kilala ang mga ito. Pinatay siya pagkatapos halayin, sinaksak ng labindalawang beses hanggang namatay. Hawak-hawak niya nag manika niya noong insidenteng iyon kaya pumasok ang kaluluwa sa manika. Tulungan niyo siya para mawala ang sumpa
" Ngunit kuya, saan naman ang pinangyarihan ng krimen, paano namin hanapin, napakalaki ng Siquijor."
Sabi naman ng Albularyo na sa "Baranggay Olo" nangyari ang krimen.
Ginawa namin ang lahat para mabigyan ng hustisya si Christy, at hanggang nagtagumpay sa tulong ni Mang Ben, isang Albularyo. Nahuli ang tatlong suspek na walang awang pumatay at gumasa kay Christy.
Ngayon, hindi na kami minalas pa. Napaginipan ko rin si Christy, nagpapasalamat siya sa nangyari sa kaniya.
Takot talaga ako sa kababalaghan na iyon. Ngayon, sa tuwing makakita ako ng manika, natatakot ako. Ayaw ko na ng manika.