Literaturang Filipino: Ang Mahika ng Pag-ibig

in literaturang-filipino •  7 years ago 


images.jpg

Isang gabi, may isang lalaki na ang pangalan ay Fidel. Si Fidel ay nasa ika apat na taon sa high school at labing anim na ang gulang. Nakatambay siya sa kanilang bintana na nakatingin sa langit na puno ng bituin. Mayamaya, pumasok ang kanyang inay.

"Nay, totoo po ba ang mahika?" sabi ni Fidel.
"Oo anak, totoo yan. Dahil naranasan ko na yan at natamaan talaga ako." sabi ng inay.
"Masakit nay? Nasaktan ka ba nay?" sabi ni Fidel
"Hindi anak, masaya nga ako. Malalaman mo yan kapag malaki kana. Tawag dyan ay Ang mahika ng Pag-ibig" sabi ng inay.

Oktubre 17, 2008. Naglalakad patungong bahay na sana si Fidel, subalit aa kanyang paglalakad ay nakasalubong siya ng grupo ng mga lalaki at napagtripan siya nito at binugbog siya ng husto. Pagkatapos, iniwan siya na puno ng pasa, sugatan at nahimatay pa.

Pagkagising niya ay nakita niya agad ang mukha ng kanyang inay na abalang abala sa kanya. Pinunasan at pinakain si Fidel at napagtanongan niya ang kanyang inay kung sino ang naghatid niya pauwi. Sabi ng inay niya ay mga barangay tanod raw.

Nobyembre 4, 2008. Natapos ang maikling bakasyon ay balik eskwela na. Maraming nag-abala na kaklase ni Fidel sa nangyari, isa na dito si Helen. Si Helen ay matagal ng may gusto kay Fidel pero di pa rin siya napapansin dahil may gustong iba si Fidel.

June 08, 2009. Unang araw sa pasokan sa kolehiyo ni Fidel at ang kinuha niyang kurso ay doktor. Nakita ni Fidel si Helen sa hagdanan at nilapit niya ito. Kilig na kilig si Helen dahil niyaya siya ng tanghalian ni Fidel dahil wala raw siyang kakilala at dito nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.

May ka relasyon si Fidel bago pa sila nagtapos sa sekundarya. Subalit minsan lang sila nagkikita. Hanggang sa nakita niya ito na may kasama ng iba. Labis nasaktan si Fidel dahil di niya inasahan ang pagtataksil ni Krisel. Naranasan niya talaga ang sakit na dulot ng mahika ng pag-ibig. Kaya tinulungan siya ni Helen na makalimot ang pait.

Pebrero 14, 2011. Niyaya ni Fidel si Helen na kumain sa restaurant. Subalit inatake si Helen sa puso doon sa bahay at namatay. Nais sanang sabihin ni Fidel ang nararamdaman niya ni Helen pero huli na ang lahat.

Pebrero 14, 2012. Pumunta si Fidel sa puntod ni Helen.

"Helen, mahal na mahal kita! Ba't di mo ako binigyan ng pagkakataon na sabihin ko ito sayo noon?" sabi ni Fidel na umiiyak

Ngunit may isang puting babae na lumapit at humalik ni Fidel. At ayun nagising siya sa isang kwarto sa hospital. Nakita niya an kanyang inay na may ka edaran na ang mukha. At nagtataka kung anong nangyari.

"Na coma ka anak simula noong Oktubre 17, 2008 at ika labing dalawang taon ngayon mo dito sa hospital. Buti nalang di ka pinabayaan ni Doktora na kaklase mo pa noon at crush ka niya hanggang ngayon" sabi ni Inay

Pagkakita ni Fidel sa mukha ng doktora ay si Helen. Sadyang napakagaling ng Mahika ng Pag-ibig. 😍😍😍

Ang inyong taapagsulat,
@jenel

Maraming salamat po sa patimpalak na ibinahagi niyo sa lahat ng steemians. Maraming salamat @steemph.cebu at sa mga sponsors.


GOD BLESS STEEMIANS 😊


Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Yung plot twist ang nagdala. Ang galing! Nako mukhang mahihirapan ngayong Linggo ang @steemph.cebu sa patimpalak dahil ang daming mahuhusay na sumali.


Good luck po sa kontes! Nga po pala pwede ko po bang i share ang inyong gawa sa aking FB Page?

Ay maraming salamat po sa papuri mo @tagalogtrail. Oo ba, pwedeng pwede mo yan e post sa fb page mo hehe gusto ko mabasa nila ang kuwento ko. maraming maraming salamat po! Ano
ba ang fb page mo? E follow po kita 😊

Yehey! Nako maraming salamat po :) ito po ang aking FB Page tapos nandito naman po naka share ang inyong likha sa post ko po

Kakagawa ko palang ng FB page po kaya wala pang masyadong likers yan sa hinaharap siguradong dadami pa iyan.

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jenel being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Ang ganda sobra.... Akala ko namatay na si Helen yun pala na coma lang si guy at panaginip lang ang lahat.. 👏👏

Hahahaha surprise ang part 2