"Magandang araw mga giliw kong mambabasa, heto na naman po ang inyong lingkod na si Ginoong Ohumad para magbigay sa inyo ng kapalaran mula sa mga bituin. Ang aking mga prediksyon ay hindi ispesipikong nangyayari sa lahat ng tao. Nagkakaroon lamang ako ng bisyon mula sa hinaharap na siyang nagsisilbing gabay para isiwalat ko ang pangitain na magaganap. Muli uulitin ko po sa inyo, aking mga tagasubaybay, na ang aking mga nakikita ay ma-i-uugnay lamang sa isang ispesipikong indibidwal na kinakitaan ko ng pangitain. Magtiwala lamang po tayo sa gabay mula sa mga bituin"
Aries
Makakahanap ka ng bagong trabaho subalit bago ka makapasok sa posisyon na iyon ay susubukin ka munang gahasain ng iyong magiging amo sa iba't-ibang masalimuot na posisyon. Hindi mo matatanggap ang kaukulang trabaho kung hindi mo pagbibigyan ang iyong magiging amo.
Lucky Color : Green Minded
Lucky Number : 69
Taurus
Mag-aaway kayo ng misis mo dahil naiwan mong nakabukas ang ilaw sa inyong kwarto. Mauungkat lahat ng pagkakamali at kasalanan mo noong nakaraan at hihiwalayan ka ng iyong asawa matapos palayasin sa sarili mong pamamahay. Pero wag mag-alala, matatapos din agad ang paghihirap mo dahil kakatayin ka ng iyong biyenan matapos mo paiyakin ang kanyang unica hija.
Lucky Color : Silver Anniversary
Lucky Number : 117
Gemini
Parang kakambal na din ang turing mo sa iyong besprend subalit mahuhuli mo siya na inaagaw ang iyong boyfriend. Ito ang magiging mitsa ng pag-aaway ninyong dalawa. Doblehin lamang ang ingat dahil malaki ang tsansa na saksakin ka niya patalikod.
Lucky Color : Mahogany
Lucky Number : 13
Cancer
Maiimbitahan ka sa isang inuman sa bar kasama ang iyong mga kaibigan. Malalasing ka ng todo at makikipag-away sa mga bouncer sa club. Mabubugbog ka hanggang mapatay at kinabukasan ng umaga ay matatagpuan na lamang ang bangkay mo na lumulutang sa ilog Pasig.
Lucky Color : Purple Passion
Lucky Number : 32nd
Leo
Uutusan ka ng iyong ina na bumili ng toyo sa isang tindahan sa may highway ng CommonWealth. Makikipagpatintero ka sa mga rumaragasang sasakyan pero maiiwasan mo lahat ng ito. Ligtas kang makakauwi ng bahay subalit masesermonan ka ng iyong ina dahil suka ang iyong nabili dala ng labis na pagkataranta sa pagtawid. Mapapatay ka sa palo at hagupit ng bakal na hanger dahil malakas ang toyo ng iyong ina.
Lucky Color : Yellow Lane
Lucky Number : 54
Virgo
Pinadalhan ka ng iyong tito na OFW sa Middle East ng original na Jordan 14 subalit sa hindi inaasahang pangyayari, nalusutan ng cocaine ang iyong package. Dumating ang oplan tokhang na mga pulis at nagpaulan ng bala sa inyong bahay. Nakangiti kang mamamatay suot ang bago mong Jordan14.
Lucky Color : Retro black
Lucky Number : 14
Libra
Mainit-init pang delivery ng pizza ang bubungad sa inyong tarangkahan. Sa sobrang pagkasabik mong kainin iyon, nauna ka nang dumukwang ng pinakamalaking slice. Mabubulunan ka ng pepperoni at babara sa iyong baga. Ikamamatay mo ang kasibaan mo.
Lucky Color : Hot Sauce Red
Lucky Number : 911-11-11
Scorpio
Masigabong fiesta sa inyong barangay. Madaming handa, inumin, pulutan at may pa-videoke pa. Nag-request ang kapitbahay na kumanta ka gamit ang pag-input ng random na numero. Aksidenteng napili ang kantang My Way na dapat mong kantahin. Magkakagulo sa barangay dahil may naghuramentadong lasing at ikaw ang tatagain ng jungle bolo.
Lucky Color : Festival Orange
Lucky Number : 10417
Sagittarius
Sesemplang ka sa motor dahil nakikipagkarera ka sa mini-scooter. Sasalpok ka sa Victory Liner na bus at titilapon ang iyong katawan sa gitna ng kalsada. Gugulungan ka ng 10-wheeler na truck pero mabubuhay ka pa rin dahil madadala ka agad sa hospital. Pagkalabas mo ng hospital, mabibiktima ka ng riding in tandem na dudukot sa wallet at cellphone mo na siyang ikakasawi mo kapag nanlaban ka.
Lucky Color : Mio Gray
Lucky Number : 2
Capricorn
Matutupok ng apoy ang inyong bahay dahil naiwan mong nakasaksak ang kurdon ng plantsa. Nadamay ang labinlimang kapitbahay sa sunog at kukuyugin ka nila dahil sa iyong taglay na kapalpakan. Hindi na matatagpuan ang bangkay mo dahil na-cremate ka na kasama ng mga bahay na nasunog.
Lucky Color : Fire Red
Lucky Number 522-22-22
Aquarius
Pasikat kang lumangoy sa beach dahil madaming chicks. Aatakihin ka ng pulikat habang nagba-backstroke, malulunod at lulubog sa kailaliman ng dagat. Magiging pagkain ng mga piranha ang iyong pinaghirapang beach body.
Lucky Color : Aqua Blue
Lucky Number : 555
Pisces
Matitinik ka habang kumakain ng boneless bangus. Babara ang tinik sa iyong lalamunan at maooperahan ka. Nagkamali ng medical procedure ang doktor at natanggal nang hindi sinasadya ang iyong adam's apple. Sa pilipit mong boses, napagkamalan kang maligno kaya pinaulanan ka ng sibat ng mga taga-baryo.
Lucky Color : Brown
Lucky Number : 666
Hahahhahaha woy aries aq, pero im sure d yan mangyayari sakin hahahahhaha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
ang mga Aries talaga na kilala ko ay tunay na mga green-minded.
nyahaha! 😂
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Yung hinanap mo ung capricorn at nung nabasa mo sobrang hot .. 😂😂😂😂😂
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
boset...ikaw japs...dapat mabasa ito ng marami. Ang naiisip ko habang binabawa ay yung boses ni madam Rosa.
ang dami kong saya
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
yan din ung naiisip ko nung nagta-type ako. pero mas sikat na ngayon si Ginoong Ohumad sa kanya dahil mas makatotohanan ang mga prediksyon niya. 😆
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
ang saya nito grabe..tawang tawa ako hahaahaha. Libra Ako
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
aha! Capricorn ka pala miss @cheche016 heheh 😄
dapat siguro mas pinatindi ko pa ung mangyayari sa abo ng namatay.
ihahalo sa spaghetti na ihahanda sa lamay. nyahaha! 😂
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ayan gising na si Junjun pwede nang sumagot dito.
Gemini ako @johnpd jusmiyo iba din pala ang kahihinatnan ko pag nagkataon masasaksak ako sa likod ni besssss
Si Junjun naman daw ay Sagitarius, makakaligtas sya sa mangyayari sa kanya. Walang cellphone yun at wallet kaya swerte sya.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
may prediksyon si Ginoong Ohumad tungkol sa'yo Toto
Magkikita kayo ni Lucy (ang manananggal) pero iiwasan ka niya dahil ayaw niya sa kidney mo. Masyado na daw madumi kakakain mo ng potato chips at maaalat. 😂
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ito lang ang masaabi ko @johnpd
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ang layo ng commonwealth idol. Dito nalang ako bibili ng toyo sa tapat namin haha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit