"Panyo"
Isang hapon na nakalipas lang,
Bigla na lang ako may naramdaman
Na para bang ako'y nahibang,
Sa pag-uwi ay nag-aabang
Pintuan aking tinungo,
Sandal, sandig, halukipkip pati na pagtungo,
Subalit di padin ako nakuntento,
Lumabas pa ako ng sarili kong kwarto
Sa paglabas kong iyon 'di ko na naiwasan,
Pagtugtog pa lang ng musika kong pinapakinggan,
Luha ko agad nagsi-agusan,
Dumampi sa pisngi ko ng dahan dahan
Kaya gamit panyo nya, agad ko 'tong pinunasan
Buti pa ang panyo aking naiiyakan,
Di tulad sa taong tunay na kahit nandiyan,
Hindi ko man lang halos masabihan,
Tanong ko noon, kung ang pag-iyak ba ng lalaki ay kahinaan,
Ngunit hindi daw sagot ng isang kaibigan,
Dahil ang pag-iyak daw sa kalooban ng tao ay nakapagpapagaan
Ng damdaming lubos na nahihirapan
Pero sa pagluhang yun loob ko ba'y gumaan?
Sa sarili ko ba'y tanong, kaya ko ba ang mag-isa?
Sa pakikipagrelasyon ayaw ko na muna,
Masaya na ako sa mga kasamang kaibiga't kabarkada
Kung may dadating man ulit sa buhay ko,
Ibibigay ko sayo ang pagmamahal ko pati na ang respeto,
Pangakong hindi yun magbabago mahal ko
Sana maging bagay tayo, kasing ganda ng bagay na nagawa sakin ng panyo
To give @surpassinggoogle your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
Other recommended witness: @beanz @curie @teamsteem @acidyo @reggaemuffin @utopian-io @good-karma @blocktrades @timcliff @hr1 @cloh76.witness @busy.org @precise @arca
Thank you @cortexx
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit