Nais kong isulat ito sa isang magandang papel at ibigay sa iyo ng personal kaya lang milya-milya ang layo natin sa isa't isa.
Mahal kong bespren,
Nagpapasalamat ako dahil nagkakilala tayo. Ikaw ang numero unong tagahanga ko. Ikaw din ang unang taong naniwala sa mga pangarap ko kahit na sinasabi ng iba na imposible daw. Ni minsan hindi ka nagduda na kaya ko, kakayanin natin. Lumalakas ang loob ko kapag nakikita kita na pumapalakpak sa tuwing magtatanghal ako, kaya naman lalo kung pinag-iigihan. Sa tuwing ngingitian mo ako kapag nabibigo ako nagkakaroon ako ng pag-asa na subukang muli. Palagi kang nandyan sa bawat ngiti at luha ng buhay ko.
Nami-miss ko yung mga araw na sabay tayong kumakain, kumakanta, sumasayaw, natutulog at sabay tumatawa sa mga kwelang kwentuhan natin na inaabot minsan ng madaling-araw. Pati na rin yung mga kakulitan natin tuwing mamimili ng mga damit, madalas pares ang ating damit, sapatos minsan nga pati damit panloob. Nakakatuwa nga dahil madalas tayo pagkamalang kambal, kung minsan naman ay tunay na magkapatid.
Espesyal ang araw na ito para sa'yo. Ito ang araw na isinilang ka, tinadhana para maging bespren ko. Gusto kung maging masaya ka. Kahit ano pa yan, susuportahan kita kagaya ng lagi mong ginagawa sa akin. Nandito lang ako, kahit magkalayo tayo ngayon nandito ka palagi sa puso ko. Mahal kita! At alam kong mahal mo rin ako. Huwag mong pansinin ang mga taong nanghuhusga sa'yo, ang mahalaga ay alam mo at alam ko na busilak ang iyong puso.
Sa susunod na magkita tayo, magdidiwang tayo. Uulitin natin ang mga ginagawa natin at gagawa tayo ng bagong masasayang alaala. Mananatili ka bilang bespren ko habang buhay!
PS. Salamat nga pala sa pagpapatira sakin ng siyam na buwan, halos dalawampu't apat ng taon na ang nakalipas. Napakahimbing ng tulog ko sa musika ng pagtibok ng puso mo mula sa loob. Pasensya ka na kung nagsuka, nahilo at halos di ka makakain ng dahil sa akin. Napakapalad ko dahil nagkaron ako ng pagkakataon na tawagin mong anak.
Nagmamahal,
AKO na mahal na mahal mo
Ma, sobrang dami ng gusto ko pang sabihin kaso baka maging nobela na to. Alam kong mahilig ka magbasa pero di ba busy ka din naman. Hiling ko lang para sa'yo ang maging malusog ka, maging masaya ka at higit sa lahat humaba pa ang buhay mo ng maraming maraming taon dahil maglalakbay pa tayo. Obligasyon mo akong samahan kaya bawal tumanggi hahaha. Ipapakita ko pa sa iyo ang ganda ng mundo natin, kaunting panahon na lang.
Ito lamang ang litrato na nasa pitaka ko, ang ganda-ganda mo dito ina habang karga mo ang aking kapatid
Upvote. Resteem. Follow.
Hi @rodylina, thanks for using @steemph.antipolo's services I give 40% upvote for this post thanks to : @rodylina
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Wow galing galing naman ni rod 😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat po 😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
naiiyak ako. Namiss ko mama KO. Namayapa sya noong 1999 pa.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit