video source
Hope for Marawi
Nilalaman ng Kuwento
Ang nilalaman ng kuwento ay tungkol sa mga taong naapektuhan sa pag-atake ng ISIS sa bayan ng Marawi. Mga sakripisyong ginawa ng mga taong naapektuhan doon. Pati rin ang kabayanihang ginawa ng isang ama, dahil gusto pa nilang mabuhay at magsama-sama at gusto niyang iligtas ang mga taong nangangailangan sa kaniya. Talagang napakaganda ng kuwento, tiyak marami kang matutunan.
Natutunan sa Pelikula
Sa pinanood kong pelikula, marami talaga akong natutunan, ngunit may isang bagay sa pelikulang nagpaantig talaga ng puso at damdamin. Yun ay ang hindi pagsuko at hindi makasarili. Sa kabila ng lahat, sa mga pagsubok na pinagdaraanan ni Loloy - bida sa pelikula, hindi sila sumuko.
Sinakripisyo ni Loloy ang kaniyang sarili at ang kaniyang pamilya upang mailigtas ang mga taong nangangailangan sa kaniya. Bihira na lamang ang taong ganyan, katulad ni Loloy, siguro tadhana ang nangyari sa kanila upang masukat kung gaano sila katapang sa kabila ng pagsubok sa buhay.
Talagang totoo yung sinulat sa bibliya na Matthew 19:26 "Nothing is impossible to God." Sinagot ng Diyos ang hinanaing nila na makaligtas. Sa ginawa ni Loloy, isa iyong kabayanihan. Ngunit, kung may taong hindi madamot sa pelikula, meron ding mga makasarili, yung ilan sa mga taong kasama niya sa bahay, mga makasarili. Gusto nilang itakwil ang sanggol sapagkat ang iyak ng musmos na sanggol ay maaring magdala sa kanila ng kapahamakan. Sa ginawa ni Loloy, ako ay saludo sa kaniya taas-noo!
Kung ako ang bida sa kuwento
Kung ako ang bida sa kuwento, gagawin ko yong ginawa ni Loloy, hindi madamot at hindi sumuko sa kabila ng lahat. Isakripisyo ko ang sarili ko na tulungan ang ibang tao di bale na mamatay ako. Mamamatay akonh may ipinaglalaban. Para sa akin, madali sanang makaalis sila kung maganda sana ang kanilang naisip, kung ako yun, tuturuan ko ang mga tao kung paano magsalita ng Maranao, magpanggap kami, para makalusot sa checkpoint ng mga terorista, ang ISIS. napakasarap talaga sa puso na may natutulungan ka, sa sinabi pa nga ni Jesus, "Tulungan ang nangangailangan."
Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by ryancalaunan being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!
Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
You can actually put Maute group instead of ISIS. Although they tried to be affiliated with the international terrorist, there was no claim on the side of the latter. Anyhow, great writing. Just pls include the source of the youtube video even if it yours to avoid technicalities here as some people are just very specific on that. Great day.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit