Steemph.Cebu: Paglinang ng Kasanayan sa Paggawa ng Literatura - Contest #4 Maikling Kuwento

U5dr1VmpXMbZFnjpxe9CgW3MRywTGfY_1680x8400.png


Ang @steemph.cebu ay kabilang sa proyektong itinatag ng @sndbox, ang "proyektong sndcastle". Bilang isang sndcastle, gusto ng @steemph.cebu na gumawa ng mga uri ng paligsahan o patimpalak kung saan maipapakita ng mga Pilipinong Steemian ang kanilang kakayahan sa pagsulat ng kahit anong klase ng literatura. Ito rin ay isang paraan para magkaroon ng interaksyon ang mga Pilipino sa isa't isa. Hinihikayat namin ang lahat na Pilipinong Steemian na lumahok sa mga paligsahang bubuohin namin sa Steemit. Ito ay para sa inyo! Palawakin ang Wikang Filipino!


Ano ang isusulat?

  • Maikling Kuwento

Dapat hindi hihigit sa 200 na salita at hindi bababa sa 100 na salita.


Tema ng Kuwento

  • Pag-ibig


Mga Alituntunin na dapat sundin sa pagsali

  • I-resteem at i-upvote itong post.
  • Ang gawang literatura ay dapat isulat sa wikang Filipino
  • Gamitin ang tag na #literaturang-filipino at #pag-ibig
  • Ilagay sa pamagat ang: "Literaturang Filipino"
  • Gumawa lang ng isang nilalaman o gawa.
  • Ilathala ang gawa sa loob ng 6 na araw pagkatapos malathala ang anunsyo.

Pagbabasehan ng Mananalo

Ang pagbabasehan ng mananalong gawa ay:

  • Dami ng mga salita o pangungusap o parilalang ginamit.
  • Ganda ng pagkagawa
  • Kaugnayan sa Tema o Paksa at
  • Dami ng boto galing sa ibang Pilipino

Gantimpala

May tatlong mananalo sa paligsahan:

  • 1st - Makatatanggap ng 7 SBD
  • 2nd - Makatatanggap ng 5 SBD
  • 3rd - Makatatanggap ng 3 SBD

Mga naunang patimpalak sa pagsusulat


Layunin ng @steemph.cebu na maibuklod ang kumunindad ng mga Pilipino sa buong Steemit. Suportahan ang @steemph.cebu at ang @sndbox.

Gumawa, Magsumite at Manalo


follow_steemph.cebu.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ito yung sa akin hahahhaa 199 words

Literaturang Filipino: Maikling Kuwento Ng Isang Pulubi

Palagi naman akong nagsusulat ng mga bagay bagay tungkol sa pag-ibig, pag-ibig na may lamang romansa. Sa puntong ito, gusto ko namang ipamahagi ang ibang uri ng pag-ibig. Ito ang pag-ibig sa kapwa na may lamang pagmamalasakit ang pag-aaruga.

https://steemit.com/literaturang-filipino/@gailbelga/paglinang-ng-kasanayan-sa-paggawa-ng-literatura-contest-4-maikling-kuwento-silong

Andito ang aking isasaling sariling gawa.. Salamat! https://steemit.com/literaturang-filipino/@visualneo/literaturang-filipino

ang patimpalak na ito ay di biro haha.

Ugma na mabalan ang nidaog ani? Mga unsay oras mga pangga?