Komunikasyon at Pagkakaintindihan, Sagot para sa malusog na relasyon!

in love •  7 years ago 

Kung ikaw ay may katipan o asawa, dapat mo itong basahin at intindihin upang makatulong sa walang hanggang pag-ibig.

Hindi lahat ng magkasintahan ay may maayos na pakikipagsamahan dahil sa mga bagay na ating nakaugalian nang tayo ay magisa pa lamang sa buhay gaya ng pagiging matigas ang ulo, hindi nagpapatalo, at higit sa lahat ang pagiging emosyonal na pwedeng mauwi sa sakitan na nagdudulot ng mas lumalalang pag-aawayan.

Babae ako, madamdamin, selosa, ngunit mapagmahal na aking masasabi. Ibinabahagi ko lamang ang akin kaalaman base sa aking karanasan.

Mayroong nagpatibok ng aking puso na siyang nakapag pabago ng aking kaugalian. Ako ay natutong magpakumbaba at humingi ng tawad mali man o tama. Dahil para sa akin, kahit tama man o mali, ang pagibig ang nangingibabaw sa aking galit. Magpatawad ka, dahil Diyos nga nagpapatawad, bakit hindi ikaw?

Ako yung babaeng madibdibin. Masasakit na salita ay hindi ko kayang baliwalain, bakit? Dahil ako ay ma pride dati. Pakiramdam ko ay dinuduraan o tinatapakan ang aking pagkatao.
Ngunit binago ko ang lahat ng iyon. Mali man o tama, kung mahal mo, patatawarin. Mamili ka kung pakakawalan mo o tatanggapin mo?

Mayroon tayong tinatawag na "palayain mo". Ngunit iyan lamang ay dapat gawin kung isa sa inyo ay gusto ng bumitaw o sa madaling salita, hindi kana mahal. Oo masakit, pero yun ang kailangan mong gawin upang hindi kana magdusa pa ng matagal. Dahil ang relasyon ay pagbibigayan at pagmamahalan, kung isa lang sa inyo ang gumagawa nun, hindi na pagmamahal'an' ang tawag dun. Tanggalin mo yung 'an' maari pa.

Dapat kayong magbigayan sa isa't isa. Hindi porke ikaw ay babae, dapat ka nang umasa na siya lang palagi ang magbibigay sayo. Siya na palagi ang susuyo sayo. Hindi dapat ganun. Maging patas ka lalaki ka man o babae.

Kapag siya ay may nagawang hindi mo nagustuhan, makipagusap ka sa kanya upang ikaw ay malinawan. Huwag mong isipin masyado ang kanyang pagkakamali dahil siguradong may mga mas marami pa siyang bagay na nagawa na mabuti para sayo. Ayun ang mga isipin mo bago mo siya kagalitan ng sobra at mauwi pa sa hiwalayan.

Matuto kang mag sakripisyo. Ibaba mo ang iyong pride. Yan ang aking natutunan na gusto kong ibahagi sa araw na ito. Salamat.

Learn to understand and appreciate things.
Don't be "i hate you today, i love you tomorrow, so let me insult you today".

coollogo_com-72632141.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations @earisu! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of posts published

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.

To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

@earisu hi dear, the love of your heart extends to the whales? No, not those whales that are pathetic and serene here live in digital space, and those who really living in the oceans, on the one side are protected by the International Red Book, but on the other are killed every year for food by aboriginals of the northern latitudes?
https://steemit.com/introduseyourself/@uberwhales/we-can-be-more-than-just-steemian-s

Congratulations @earisu! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!