"RELASYONG WALANG LABEL" by:ISBN

in love •  7 years ago  (edited)

May babae kang ibang gusto
Ako'y di mo gusto
Ito ako'y naghihintay sayong paggusto
Ako'y naghihintay sayo

Ilang buwan ng ganito
Sayong kwento
Ako'y walang kakwento-kwento
Mahal sana ako'y magkakwento

Sana pagdating dito
May kwenta sayo
Pre,mahal mo ko
Pero siya 'yong gusto

Ang sweet niyo pala no?
Noon tayo ang ganyan?
Ngayon sa kanya na pala
Ang tanga mo

Habang nandito ako
Nagmamahal sayo
Nagmamahal ng totoo
Ikaw nagpapakatanga sa panluluko

Nagpapakatatag naman ako
Nagpapatatag sa relesyong tayo
Pero ngayon may kayo
Nandito parin ako

Naghihintay sayo
Sa pagdating mo
Para simulan ulit 'yong tayo
Alam kong malabo

Pero alam ko ika'y babalik
Para simulan ang nawasak
Malabong-malabo
Pero di susuko

Sa pagkikitang muli
Iyong mali,ito'y itatama
Salamat dito muna
Basta ako'y di susuko

-3:25pm
March 24,2018
Saturday

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!