Ang sakit palang iwan na minamahal mo.
Minahal mo na nga nang todo-todo.
Binuhos mo na nga lahat ng kaya mo
Pero sa huli, iiwan ka parin at biglang maglalaho.
Kay saklap naman na aming naging pagsasamahan.
Akala ko sa altar ang aming hantungan
Yun pala sa kama, luhaan at sugatan.
Umiiyak dahil kanyang iniwan.
Ano ba ang nagawa kong kasalan ?
Minahal ko lang naman siya ng lubusan.
Kulang pa ba ang naibigay ko sa kanya ?
Kayat ako'y kanyang iniwan nang wala man lang paaalinlangan
Ang sakit isipin na lahat ginawa mo na
Pero iniwan ka parin niya.
Mas pinili niya ang daang wala ka.
Daang makakapagpapalaya sa kanya
Kung magmamahal akong muli,
Sisiguraduhin kong magtitira na ako kahit konti,
Konting pagmamahal at respeto sa sarili
Para hindi na ako magiging sawi huli.