Sa isang malayong pook ako'y nakahimlay Na tila naiiwan at nilimot ang pagkamatay. Sa kabila ng pagpapaalala nawalan sila ng malay Sa buhay kong kinitil ng tahimik na tambay.
Ang nais ko ma'y bungangon at kumatok sa aming bahay Upang maipakaita ang nais na sana'y di mawalay Sa pamilya't kaibigang minahal kong tunay Kasabay ng iwas sa di malamang liwanag at kamay.
Subalit nasaan ba ang mga pusong nanamlay? Magmula nang makita akong nakahimlay Sa higaang kahoy sa ilalim ng hukay Lahat sila'y lumimot maliban sa isang nakamalay.
Nilapag n'ya ang rosas at sa krus idinantay Isang piraso lamang ito katulad ng aking buhay. Naiinis man ako sa kanyang pagtagumpay, Gumaan ang puso sa pag-iyak n'yang walang humpay.
Lumipas ang isang oras ng kanyang paglupasay Sa basang damuhan siya'y nagsalaysay. "Mahal kong asawa ba't ka nawalay At sa akin ika'y nawala habambuhay?"
Muling tumibok ang pusong namatay Na minsang nilisan ng iniibig kong tunay. "Pawatad sa aking nagawa sa iyong buhay Sapagkat puso'y nangulila sa iyong pagkawalay.
Kung di mo sana ako panagpalit sa'ting kapitbahay Hindi ko sana nakitil ang minamahal mong buhay."