Once upon a time, umibig ako. Nadulas sa isang hindi inaasahang patibong ng pag ibig. 4 years ang dumaan, stuck pa rin sa parehong lugar dahil sa nag iisang taong tunay na minahal.
Ngunit hindi lahat ng binibigay ay bumabalik. Ang pag ibig kasi chamba. Sugal. Hindi mo kaagad malalaman kung siya na ba ang tamang tao para sayo o hindi. Kung hindi mo bibigyan ng chance, hindi mo malalaman. Sayang nga lang kung nabigay mo na ang lahat bago mo pa nalaman na maling tao pala ang pinahalagahan mo.
It was the exact thing for me.
Pangatlo siya sa mga taong inibig ko pero naiiba siya. Akala ko talaga siya na. Yun pala, nagkamali pa rin ako. Nabokya. Nasayang. Lahat ng naramdaman ko ay malaking mali.
Pero may naisip ako. Siguro stepping stone ito para makilala ko ang taong nararapat talaga para sa akin. Ngayon may ibang umaaligid sa akin na hindi ko naman gusto. Tinanggap ko siya, hoping that I'll forget about the other one. Sa tuwing magkasama kami however, nakikita ko ang taong totoong mahal ko sa malayo na may malungkot na ekspresyon sa mukha niya. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niyon pero matapos ang ilang araw, they said na he transferred schools. Hindi man lang ako nakapagpaalam.
Kaya sa mga umiibig jan, wag niyong gawin ang hindi makakabuti para sa inyo. Kung nais niyo nang kalimutan, kalimutan niyo. Pero kung hindi niyo kayang sumuko, ipaglaban niyo. Malay natin, ang bunga ng pagsisikap niyo ay kanais nais, siguro hindi dahil mamahalin ka rin niya but at least you won't have any regrets and "what ifs."
Sincerely,
Best Friend mo
Congratulations @sweetstyle! You received a personal award!
Click here to view your Board
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations @sweetstyle! You received a personal award!
You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking
Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit