Ang Unan sa Aking Pagtulog

in lovewins •  4 years ago 

Hindi ko inaakala na ito'y aking nadarama
Sa una nating pagkilala ika'y nananatili sa aking ala-ala
Ang ala ala na ikaw laging sambit
Na kahit minsa'y iniiwasan kita pero sa isipan ko'y sa

Ang hindi ko makalimutan ang una nating pag-uusap
Na kahit sa telepono lamang hindi ko maikailap
Ang gumuguhit na mga ngiti sa aking mga labi
Ang mga ngiti na hanggang ngayon ay nananatili.

Sa boses mung napakaganda
Wari'y di na kita makalimutan,
Simula noon ikaw na ang sinisigaw ng aking puso't isipan.

Lumipas ang mga araw Ay lubusan kitang nakilala
Kung sino ka at ano ka na gusto kong makasama
Makasama habang buhay at gumawa ng mga masayang alaala
Ang mga Alaala na gusto kong i-Share sa iba
Na meron talagang FOREVER sana 'wag tayong mawalan ng pag-asa.

Naalala ko pa noon na kahit hindi pa naging tayo
Ay sambit natin ang mga katagang I LOVE YOU!
I Love You! kasi minahal na natin ang isat-isa kahit di pa ito sigurado
At ang Akala ko’y mawala lang yun na biglang maglaho
Pero habang tumatagal ang pangalan mo'y nakaukit na sa aking puso

At labis ang aking kasiyahan ng opisyal na naging tayo,
Sa ika-sampo ng Agusto ang ating maging anibersaryo.
Simula noon, marami na ang ating mga plano,
Isa na rito ang Makapiling ka at tutuparin ang ating mga pangako

Ang pagiging malayo natin sa isat-isa Ay hindi balakid para ibigin ka.
Ang pag-ibig na tanging ikaw lamang aking sinisinta.
Sana walang magbago sa ating dalawa,
Kasi yan ang kinatatakutan ko at tiyak di ko makakaya.

May mga araw natatakot ako na malaman ito ng iba
Kasi di lahat ng tao ay bukal ang loob na tanggapin ka
May mga taong mapanghusga at pangdirian ka
Bakit? Mali bang sundin ang nilalaman ng puso para ika'y liligaya?

Pero ang lahat ng 'yon ay binabaliwala ko
Kasi ang alam ko at alam mo ay nagmahalan tayo
Na kahit maraming tao na hindi ito gusto
Bastat kapit lang bro maaring pagsubok lang ito

Ito rin ang Palagi nating paalala sa bawat isa,
Na "kapit lang!" At sabay dalangin sa kanya(GOD).
Sa kanya tayo humugot ng lakas maliban sa ating pamilya,
Dahil di niya tayo pinabayaan at tiyak tayo'y liligaya.

Minsan sa TEXT ko ako nagkakamali,
Ang text ko para saiyo sa iba ko naibahagi
Ako ay nagugulat sa sagot nya'y ako'y napangiti
Dahil kay Sir(BOSS) ko pala ito naibahagi.

Agad akong nanghingi ng paumanhin Sa aking pagkakamali
napahiya ako At hindi ko na ito mababawi.
Pero sa tugon niya mas lalo akong napangiti
Dahil ang sabi niya " normal lang yan." Sabay dugtong ng imoticon 👍🏻👍🏻👍🏻 at may ngumingiti😀.

Hindi lang kay sir ako nagkakamali,
Pati sa kasamahan ko di ito pinipili,
Tinatawag ko siya sa ating tawagan
Buti nalang ang slow niya ito'y hinahayaan . 😂😂😂

Yako, mahal na mahal kita
Minahal kita na walang pagdududa
Ikaw ang dahilan kung bakit ako masaya
Kaya napansin ng iba na sa akin may nagpapaligaya

Ang kaligayahan na walang katumbas na halaga
Na kahit minsan di ko inisip na wala ka
Dahil Ikaw ang insperasyon ko para lumaban pa
Sa hamon ng buhay para sa ating dalawa.

Ang pag-ibig ko sayo bro walang katapusan
Pero antok na ako at di ko na mapigilan
Kaya sa aking pagtulog ikaw ang aking unan
Para sa pagising sa puso't isip ko'y
IMG_20200710_055251_0 (1).jpg
ikaw ang nilalaman.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!