Patimpalak Bilang Pagdiriwang sa Unang Buwan ng Aking Nobela Rito sa Steemit

in magmoveontayo •  6 years ago  (edited)

Bitter No More.PNGpinagkunan

Noong ika-10 ng Mayo taong kasalukuyan ay una kong inilathala rito sa steemit ang aking nobelang pinamagatang Bitter No More. At dahil isang buwan na nga ang nakalipas simula ng ilipat ko ito sa Steemit, nais kong ipagdiwang ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng patimpalak.

Tungkol saan nga ba ang patimpalak nating ito?

Sa mga sumubaybay sa nobelampungan landi na Bitter No More, alam naman nating ang nobelang ito ay tungkol sa pagmo-move on ng bida dahil sa kabiguan sa pag-ibig. At dahil diyan, ito ang magiging alituntunin at krayterya ng ating patimpalak:

MGA ALITUNTUNIN:


  • Magsulat ng isang maikling kwento tungkol sa sariling karanasan sa pagkabigo sa pag-ibig at kung paano ka bumangon o nag-move on mula rito.
  • Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng Pinoy Steemian.
  • Ang maikling kwento ay kailangang nakasulat sa wikang Tagalog.
  • Ang bilang ng salita ay kailangang naglalaro lamang sa 500 hanggang 1,500 na salita. (Bibilangin ko ang salita gamit ang MS Word at bibigyan ko ng bawas na isang punto kada isang salitang lumagpas sa tamang bilang na ibinigay.)
  • Kayo na ang bahala sa pamagat ng inyong maikling kwento, basta ang pangunahing tag na gagamitin ay #magmoveontayo.
  • Kung ang larawan na ginamit ay hindi sa inyo, maiging bigyan ng maayos na credit ang pinagkunan nito.
  • I-resteem ang post na ito para mas marami pang makakita sa patimpalak na ito.
  • I-comment ang link ng inyong entrada sa mismong post na ito.
  • Isang entrada lang ang aking tatanggapin sa bawat manunulat na sasali.

KRAYTERYA:


  • Kaugnayan sa tema – 35%
    (Naglalahad ng makatotohanang karanasan sa bigong pag-ibig at pag-momove on.)

  • Emosyon – 30%
    (Nakapagbibigay ng emosyon at kahulugan sa mensaheng nais iparamdam o iparating sa mga mambabasa.)

  • Pamamaraan ng Pagsusulat – 20%
    (Maayos na pagkakasulat – tamang baybay, balarila, bantas at iba pa. Kawili-wiling paggamit ng mga salita; klaro at may lohika; maayos na pagsasalaysay.)

  • Mensahe – 15%
    (May makabuluhang mensahe/moral ang kwento.)

PAGPAPASA


Ang pagtatanggap ng mga entrada ay magsisimula sa pagka-post ng patimpalak na ito hanggang sa ika-17 ng Hunyo, alas onse ng gabi.

Ang mga entradang hindi umabot sa itinakdang palugit ng pagpapasa ay hindi na maaaring tanggapin.

MGA GANTIMPALA:


  • Unang Gantimpala: 3 SBD

  • Ikalawang Gantimpala: 2 SBD

  • Ikatlong Gantimpala: 1 SBD

Sa mga hindi papalaring manalo, magbibigay pa rin ako ng pakunswelo o consolation prize. Dahil lahat ng mga sumusubok ay hindi talunan. Charooot! :D

Paghahatian ng lahat ng kalahok na hindi nakatanggap ng gantimpalang nakasaad sa itaas ang post pay-out ng patimpalak na ito. Sana nga lang ay malaki ang malikom nitong upvote para malaki-laki rin ang paghahatian.

Ang magiging hurado sa patimpalak na ito ay ako mismo. Pero walang dapat na ikabahala dahil hindi po ako biased. :)

Kaya anong pang hinihintay ninyo? Isulat na lang natin ang natamong pagkabigo at mag-move on na lang tayo! :D

7.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem banner.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Pano kung hindi pa nabibigo hehe
Naks naman
Ok ito ah

Ang ganda talaga ng lablayp n'yo. Pareho kayo ni Ken. Heheheheheh. Tatanggapin ko pa rin naman kahit fiction. Sasabit nga lang sa unang krayterya. Pero keri lang 'yan, sali pa rin kayo. :D

Kakapusin ako sa 1,500 na salita lang haha. Sali ako mamaya susulat ko iyan pagkatapos ng Pinoy Henyo hehe.

Pang buong nobela yata ang kwento mo, boss. Hehehe. Pero oo, sali ka pa rin. 😁

sasali po ako..ehehehe

Salamat po sa interes sa pagsali. Hihintayin ko po ang entries n'yo. 😊

Pinuyat mo ako boss haha. Mamaya ko na resteem sariwa pa itong post ko e. Naka dalawang post ako magkasunod himala haha.

https://steemit.com/magmoveontayo/@twotripleow/hindi-pa-ba-sapat-ang-isa-kung-hindi-dalawa-ilan-pa

Iba yung dating nung "pinuyat mo ako boss". Hahahaha. Salamat at ikaw ang pa-buena mano entry boss. Babasahin ko later. 😊

Ay grabe! Pasensiya na. Hindi ko inisip iyong sinabi. Wala naman akong ibang intensiyon. Ang sa'kin lang talaga makasulat lang, kasi gusto ko ipakita na habang sinusulat ko ito hindi na ako nasasaktan ika nga nila "pagkabigo't alinlangan gumugulo sa isipan, mga pagsubok lang iyan" at kaya ko ito haha.

sali ako sisss!!! hahah.. kasi di ako manalo nalo sa pinoy henyo baka dito makasungkit.ahaha =)

Sali lang nang sali sis. Baka ikaw na nga winner dito. 😁

Eto na ang entry ko. Sabi nga ni @twotripleow "Mainit init pa."

Mag move on tayo | Kwentong Kontrabida

Hello sis, baguhan lang pero I would like to try. Thank you ;)

https://steemit.com/magmoveontayo/@judeeey03/magmoveontayo-ikaw-at-ako-wala-ng-tayo

Hello.. eto po ang aking entry. Sana magustuhan ninyo. Salamat!

https://steemit.com/literaturang-filipino/@valerie15/mag-move-on-tayo-kwentong-rewrite-the-stars

Kailan po ang deadline ng pagsumiti ng entry @jemzem?

Ang deadline po ay ngayong June 17 hanggang 11PM. Sana po'y sumali kayo. 😊

Maraming salamat po sa impormasyon! Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya para makasali sa patimpalak ninyo :)

Yeheeey! Maraming salamat sa interes sa patimpalak na ito. Hihintayin ko ang entries n'yo. 😊

God bless po and more power @jemzen :)

Mabuhay kabayang @jemzem! Lakas makapa throwback ng patimpalak na ito. hahaha.. Di ko inaasahan na mapapalaban ako pagsasanaysay. Narito nga pala ang aking entry. https://steemit.com/magmoveontayo/@wondersofnature/dahil-mahal-kita

Maraming salamat sa pagsali, manong. Pinanindigan mo na talaga ang pagtawag sa aking Teacher. 😁

Basta ikaw teacher. 🙌

Isang mapagpalang gabi syo kaibigan..
Ito ang kauna unahang patimpalak na aking sasalihan..sanay iyong mapansin..eto po ang aking kwento..

https://steemit.com/magmoveontayo/@lhey18/kung-tayo-tayo