“Pasensya na, kung papatulugin na muna
Ang pusong napagod kakahintay.”
Pitong taon at dalawang buwan …
Di ko namalayan ang panahon na lumipas habang tayo'y magkasintahan.. Kung gaanong katagal ang ating pinagsamahan, ganon rin katagal ang aking paghihintay na sana ang mga pangarap natin na binuo ay magkaron na ng katuparan. Ngunit bigla akong nawala. Ang aking puso at pagkatao, nakatulog na pala…
Hinding hindi ko malilimutan ang una nating pagkikita. Magkasintahan noon ang malapit mong kaibigan at ang aking kaibigan kaya tayo nagkakilala. Simula non lagi na tayo nagkakausap. Hindi na nga natin namamalayan ang paglalim ng gabi. Mabilis nagkapalagayan ang ating loob kaya naman napagdesisyunan natin na magkita at magbakasyon. Dito rin natin nakilala ng husto ang bawat isa. Dalawang linggo tayong nagkasama pero parang ayaw ko na matapos pa ang bakasyon nating iyon.
Prinsesa, yan ako para sayo…May mga simpleng bagay kang ginagawa na talaga namang nagpapakilig ng aking puso. Mahilig ka rin sa mga sorpresa dahil sa malayong bansa ka naghahanap-buhay at bihira lang tayo magkasama sa loob ng isang taon. Minsan magigising na lang ako na may kumakatok sa pinto. Yun pala may pinadala kang mga bulaklak. Napapa isip tuloy ako kung anong okasyon kahit wala naman. Hindi lang sa ganito umikot ang ating relasyon. Ikaw ang nagpakilala sakin sa mundong ginagalawan mo. Tinuruan mo ako ng iyong tradisyon at kultura. Napaka laki ng iyong impluwensya sa aking pagkatao. Oo, isa akong pinay at dayuhan ka naman. Ngunit naging masaya tayo sa piling ng bawat isa. Sinuportahan mo ako sa lahat ng aspeto ng aking buhay. Nakilala ka ng aking pamilya at wala silang makitang masamang tinapay sayo.
“Mangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangarap pa rin kahit masakit.”
Nais kong ikasal na tayo at bumuo ng sariling pamilya. “Ngunit hanggang pangarap na lamang ba ako?” Madalas kong itanong sa aking sarili.
Matapos ang limang taon nating magkasintahan, lumuhod ka sa aking harapan na may hawak na singsing.“Oo,” sagot ko sa tanong mong magpakasal na tayo. Ang saya saya ko nang mga sandaling iyon. Ngunit, ako’y muling naghintay… Dalawang taon mula ng isuot mo ang singsing sa aking daliri tayo’y magpapakasal na.
“Isusuko na ang sandata aatras na sa laban
Di dahil naduduwag kundi dahil mahal kita
Mahirap nang labanan mga espada ng orasan
Kung pipilitin pa, lalo lang masasaktan”
Unti-unti, di ko namamalayan nawawala na pala ako sa ating relasyon. Iniwan ko ang aking trabaho noon dahil sa boss kong ginigipit ako sapagkat nais nyang magkasira tayo at mapasa kanya ako. Pinili kong umalis at iwan ang aking karera upang mapangalagaan ang taong pinakamamahal ko. Ayaw ko rin bigyan ka ng alalahanin. Alam kong may tiwala ka sa akin ngunit wala sa mga taong nakapaligid sa akin.
Tuwing aalis tayo at kakain sa mamahaling hotel, nakikita ko kung gaano kalaki ang ating agwat sa buhay. Dahil isa kang dayuhan, palaging espesyal ang pakikitungo ng aking kapwa pinoy sayo. Samantalang ako laging nababalewala na para bang isang palamuti lamang. Masakit para sa akin na napapadalas ang ating pagtatalo dahil nagagalit ka kapag hindi maganda ang trato sakin ng mga tao. Palagi ko sayo sinasabi na hayaan mo na lang. Hindi natin kailangan sirain ang magandang araw na ito dahil lamang sa natagalan at huling dinala ng waiter ang aking pagkain o kaya naman naririnig mong kinakantahan ako ng mga tambay sa kanto ng “it’s all about the money...money...”
Sa ating dalawa, ako ang may mahabang pasensya. Oo, nahihirapan ako na balansehin ang lahat. Kapag ako nagsalita sa kanila, lumalabas na ang yabang ko dahil dayuhan ang aking kasintahan. Kapag naman nanahimik ako, ikaw ang siyang nagagalit sa akin. Alam kong hindi tama na hayaan kong maliitin ang aking pagkatao ng sinuman. Kaya naman tuwing magkasama tayo, sinusubukan kong magmukhang kagalang galang at hindi magmukhang bastusing babae na nakuha mo lang kung saan saan. Pilit ko man iiwas ang aking isipan sa ganitong bagay, ngunit ito na yata ang nakasanayang isipin ng sinumang makakita ng magkaibang lahi na magkasama.
Nawala ako…
Nawala ang aking sarili sa isang relasyong inakala kong perpekto. Naging anino mo na lamang ako. Hindi na ako masaya. Parang may kulang sa aking pagkatao. May mga bagay akong hinahanap na di kayang ibigay at tumbasan ng mga materyal na bagay lamang. “Asan na ako?” Tanong ko sa aking sarili. Heto ako, nakakulong sa pagkataong ginawa ko. Nakalimutan kong may isang ako pala bago ako pumasok sa ganitong relasyon. Nawalan ako ng sariling desisyon. Hindi ako lumago… Sa kabila ng mga katanungan ko, umasa pa rin ako na maibabalik ko ang dating ako.
“Malaya ka na, Malaya..”
Ito ang sambit ko sa aking sarili… Pinalaya ko ang aking sarili sa mundong di para sa akin. Tama nga sila, bago ka pumasok sa isang relasyon, siguraduhin mo munang buo ka bilang isang indibidwal. Alam mo kung ano ang mga gusto mo sa buhay at matatag mong harapin anuman ang ibato sayo ng mundong mapanghusga.
Bumabangon akong muli. Pilit kong ibinabalik ang aking sariling nakulong ng mahabang panahon. Isang paraan ko upang makitang muli ang aking sarili ay ang pagsusulat tulad nito, ang pakikipag ugnayang muli sa mga kaibigan kong nawalan ako ng oras at ang pag buong muli ng mga panibagong alaala na magpapasaya sana sa isang dalawampu’t -tatlong taong gulang na dalaga noon bago pumasok sa isang relasyon. Sinusubukan ko rin na bigyan ng sapat na oras ang aking sarili tulad ng pagbisita sa mga lugar na noon ko pa gusto mapuntahan kahit ako lamang mag isa. Hinahanap ko ang mga bagay na tunay na magpapasaya sa akin.
"Baka sakaling makita kitang muli
Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi
Kung di pipilitin ang di pa para sa'kin
Baka sakaling maibalik
"Malaya ka na, malaya.."
Hindi na natuloy ang ating kasal. Kung gaano katagal ang ating pinagsamahan, ganon ka naman kabilis nawala sa aking buhay. Isang araw nagising na lamang ako na wala ka na talaga. Marahil, tulad ko kailangan mo rin muna hanapin ang iyong sarili upang magkita man tayong muli, baka sakaling maibalik natin ang dating tayo na buo na.
May mga bahagi na mula sa kanta na "Malaya" ni Moira dela Tore
World of Photography
>Visit the website<
You have earned 6.50 XP for sharing your photo!
Daily photos: 1/2
Daily comments: 0/5
Multiplier: 1.30
Block time: 2018-06-16T05:29:57
Total XP: 78.00/100.00
Total Photos: 12
Total comments: 0
Total contest wins: 0
Follow: @photocontests
Join the Discord channel: click!
Play and win SBD: @fairlotto
Daily Steem Statistics: @dailysteemreport
Learn how to program Steem-Python applications: @steempytutorials
Developed and sponsored by: @juliank
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Cant understand the language but definitely can understand the feelings.
Please join me here to see stunning photography and tech updates.
https://steemit.com/photography/@technicalgupshup
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
thank you!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
maganda ang larawan mo kabayan, nagustohan ko rin ang storya mo, nice..
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat kabayan.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Great post. It doesn't seem like you are getting the likes it deserves though. Have you checked out the upvote communities? You should check out steemengine. or steemfollower.com.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you! I will.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
😭😭😭
Ang sakit ng mga ganitong kwento. 💔
Ang tagal mo ngang naghintay pero ganoon lang ang nangyari. Pero hindi rin naman talaga kasiguraduhan ang tagal ng pinagsamahan para masabing kayo na nga ang magkakatuluyan. Tama nga naman, kailangan talaga nating siguraduhing buo tayo bago pumasok sa isang relasyon. Iyong kilala na natin ang ating sarili. Iyong nahanap na natin kung anong gusto natin at kung sino tayo. Hayyys. Pero ganoon talaga e. Siguro nga darating ang panahon na magkatagpo ulit kayo. O kung hindi man, makikilala mo ang taong para talaga sa iyo. ❤😊
Maraming salamat sa pagsali sa aking patimpalak at sa pagbahagi mo ng kwentong ito. 😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat po. Sana nga next na kanta para sakin ay ang Tagpuan ni Moira. :-)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit