Paano ba ang mag-move on? Marami na akong nabasa at napanood na pelikula tungkol sa kung paano makakabangon pagkatapos mong masaktan. Pero paano kung ikaw yung nanakit? Kung ikaw yung nang-iwan? Kung ikaw yung kontrabida sa mga librong nalathala at sa mga pelikulang ipinalabas?
Pinagkuhanan
Ako si @romeskie at narito ang aking kwento.
Nagkaroon ako ng kasintahan noon at nagtagal kami ng siyam na taon. Akala ko kami na hanggang sa huli. Pero nagkamali ako. Masaya naman ang relasyon namin. Gaya ng mga normal na relasyon, may pag aaway, may tampuhan, may tawanan, may kulitan. Pero may kulang. Bukod pa doon ay may mga pangyayari sa aming nakaraan na naglagay ng lamat sa aming pagsasama. Pakiramdam ko ay ipinipilit ko na lang na ituloy ang relasyon dahil una, matagal na kami at sanay na kami sa isa't isa; at pangalawa, natatakot akong mag-isa.
Hanggang sa nakilala ko ang lalaking napangasawa ko. Sinadya siguro ng pagkakataon, ng panahon, o ng tadhana na magkakilala kami noon. At kahit hindi ko naman pinlanong makatagpo siya, nahulog ang loob ko sa kanya. Kay guwapo ba naman niya at kay bait pa. Masipag at malambing. Masungit pero kaya niya pa rin naman akong patawanin. Nahahati na ang puso ko.
Kinailangan kong mamili. Walang ipinapangakong kasiguruhan noon itong bago ko lang kakikilala pero parang wala rin namang patutunguhan itong dati ko nang kasama. Naisip ko noon, gusto ko na lang din kumawala. Gusto ko na lang din na maging malaya.
Pinili ko ang maging masaya. Iniwanan ko ang dati kong nobyo at nakipagsapalaran. Buti na lang din naman at ginawa ko iyon dahil nagkatuluyan naman kami at hanggang ngayon ay magkasama.
Pero bawat kaligayahan ay may katapat din na kabayaran. Noong mga unang taon naming magkasintahan, inuusig ako ng aking konsiyensiya. Napapatanong din ako kung tama ba ang aking ginawa. Nakapanakit ako ng damdamin. Itinapon ko ang ilang taon na pinagsamahan namin. Gustuhin ko man maging masaya ay hindi lubos ang aking ligaya.
Kaya naisip ko, kailangan ko rin mag-move on. Mas mahirap lang, kasi ako ang tampulan ng galit dahil ako ang may sala. Ako ang mali. Ako ang nangaliwa. Ako ang nang-iwan. Ako ang hindi nakuntento. Ako ang naghanap ng iba. Ako. Ako. Ako! At wala akong nahanap na tulong. Dahil lahat ng mga kaibigan namin, aminin man nila o hindi, kampi sa dati kong kasintahan. At nauunawaan ko sila. Kasi nga alam niyo na. Ako kasi ang nagkasala.
Kaya naman, kahit hindi ko naman talaga inisip na magkalalistahan ako ng ganito, nakabuo ako ng mga pointers kung paano mag-move on kung ikaw ang nakapanakit, nang-iwan at naghanap ng iba.
Tanggapin mo sa sarili mo na mali ang ginawa mo.
Hindi kailanman magiging tama ang manakit ka ng kapwa. Kahit ano pa mang dahilan ang mayroon ka, hindi ka magkakaroon ng lisensiya na magdulot ng kirot sa iba. Nagawa mo nang maging matapang noong pinili mo ang maging maligaya sa piling ng iba, ituloy tuloy mo na. Aminin mong mali ka. Naging napakahirap nito para sa akin dahil gusto kong palabasin na kaya ko lang iyon ginawa ay dahil din sa kanya. Pero naisip ko, wala rin namang punto.Patawarin mo ang iyong sarili.
Walang ibang makapag ibigay sayo ng pagpapalaya kundi ang sarili mo lang. Tanggapin mo na lahat ng tao ay nagkakamali. Hindi ka eksepsyon doon. Patawarin mo ang sarili mo nang walang pag-iimbot. Hindi mo kailangang idepensa ang ginawa mo kapag tinanong ka ng ibang tao. Hindi mo rin kailangang ipagtanggol ang sarili mo laban sa mga sarili mong multo. Magpatawad ka. Umpisahan mo sa sarili mo.Ilayo mo ang sarili mo sa mga makakapag-paalala sa iyo ng mali na ginawa mo.
Maswerte ako kasi yung dati ko nang kasintahan mismo ang nagblock sa akin sa facebook. Ganoon naman yata talaga. Nagmu-move on din siya eh. Pati ang mga kaibigan ko, nilayuan ko noon. Iisa lang kasi kami ng grupo ng kaibigan kaya mag-isa ko ring tinahak ang pag-ahon. Naisip ko, mas kailangan niya iyon. Ako naman ang mali kaya ako na lang ang magbibigay daan.Maging masaya ka.
Ikaw ang pumili ng destinasyon mo. Kaya ikaw din ang may kakayanang gawin itong makulay at masaya. Sa pagkakataong ito, totoo ang kasabihang ikaw ang pipili kung magiging masaya ka o hindi. Marami akong bagong natutuklasan aa bago kong nobyo. Parang nagsisisi na ako. Pero naisip ko, sinuong ko ito, kailangan kong lusutan ito. Bawat bagong relasyon ay may tinatawag na adjustment period. Mabutk na lamang at nalampasan naming dalawa iyon.Huwag ipilit kapag hindi pa pwede.
Ang tinutukoy ko ay ang pakikipagkaibigan sa dating kasintahan. Isang tanda na pareho na kayong okey ay kung kaya niyo nang harapin ang isa't isa nang walang tensiyon at gulo. Ang pakikipagkaibigan, gaya ng pag-ibig ay hindi maipipilit. Ilang taon din muna ang lumipas bago muling nabuo ang barkadahan. Ngayon, kaya na namin na magkakasama kami. Ako, ang asawa ko at ang dati kong nobyo. Magkalapit din silang dalawa. At oo nga pala, ninong siya ng anak ko. :-)
Madalas kapag may naghihiwalay, ang una naging kinakamusta ay yung naiwanan. Ganoon kasi ang nakasanayan. Kung sino ang nakawawa, doon tayo lahat kakampi. Pero hindi ito tungkol sa kung sino ang kinampihan at hindi. Tungkol ito sa pagtingin natin sa ibang anggulo sa bawat sitwasyon. Tungkol ito sa pagmulat ng ating mga mata. Hindi natin dapat basta na lang husgahan ang ating kapwa nang basta basta. Minsan, hindi rin naman nila kailangan ng payo o suporta. Ang kailangan lang nila ay makakasama. Ng isang kaibigan. Iyong makikita pa rin ang totoong sila. Kahit na nagsusumigaw ang pagkakamali nila.
At iyan ang aking kwentong pagmu-move on. Sana ay may napulot kayo bukod sa chismis sa buhay ko. Sinadya kong hindi magbigay ng mga pangalan para naman maprotektahan pa rin ang mga kinauukulan. ;)
Ito ang aking entrada sa patimpalak ng aking olodi na si Ate @jemzem.
Gagamitin ko na rin ang pagkakataon na ito para i-plug ang aking patimpalak. (Sana ay okay lang sa iyo ate Jemzem. Salamat po!!!)
Great write up and accompanying image is the best part who drove me here.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Huhubels I feel you sis @romeskie Dapat sumali den aku sa patimpalak ni @jemzem dahil madami aku karanasan sa pag-igib.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Pag igib ba talaga yung pagkakabasa ko darling @lingling-ph? Pero oo, sali ka rin! Para naman may clue kami kung sino ang mga ni-date mo at nagpaiyak sa iyo. Hahaha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Agree aq sa mga lessons na naibahagi mo sis! At buti na lang happy ending hindi lang sa nu ni mister kundi pati sa barkadahan! :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Kailangan panindigan sis! Kundi baka sampalin nila ako. Hahaha. At ganoon naman talaga, kailangan mong sumugal para malaman kung tama ka. Buti na lang naka jackpot! Haha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Wala akong masyadong masakit na alala at karanasan kundi Isa lang, siguro ako Ang demonya sa mga naka relasyon ko. Maamo kasi akong tingnan pero dominante. Parang I call the shots. Hay naku mahirap ispellingin Ang love. Pero Isa pang masasabi ko, Kung ako man ay magmahal, tagos Kung saan tatagos dahil ito ay totoo. Gusto ko Sana sumali sa patimpalak na it @romeskie pero parang Pandora's Box ito eh.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Iba talaga ang idolest! Haha. Ok nga yung ganun eh. At least kung magtagal man aiya sayo, alam mong dahil handa siyang suyuin ka habambuhay. Haha.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Grabeeee, mam @romeskie! Sobrang lalim ng hugot mo rito! Damang-dama ko at tagos na tagos kung saan pwedeng tumagos. Tama nga naman kasi, madalas talagang kinukumusta ang mga naiwan, kasi sila nga naman 'yong sa tingin natin ang mas nasasaktan. Pero depende rin naman kasi sa sitwasyon. Natural na kasi sa karamihan ang husgahan ang mga nang-iwan nang hindi man lamang inaalam ang dahilan, kasi nga kawawa 'yong iniwan. Bagama't hindi mo idinetalye nang todo ang rason, naiintindihan ko naman. Hindi rin naman kasi ang tagal ang basehan lang para ipagpatuloy ang relasyon. Maraming dapat ikonsidera. Pero ang importante naman ay masaya ang lahat ngayon. Na naka-move on na rin si ex. Pero medyo shocks lang at kinuha n'yo pa talaga siyang ninong ng anak n'yo. Akala ko kasi sa mga kwentong barbero lang ang ganoon e. Hehehhe. Pero dahil nga tunay na kayong nagkalimutan sa masasakit na nangyari sa inyo, wala namang mali sa pagiging ninong niya. Patunay din siguro iyon na baon na sa limot ang masasakit na nangyari.
At saka sobrang sang-ayon din ako sa mga payong ibinigay mo. Ang ganda ng mensahe at aral na ibinahagi ng kwento mong ito. ❤❤❤
Maraming salamat nga pala sa pagsali sa patimpalak ko, mam. 😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Haha. Oo. Buong puso naman niyang tinanggap ang pag ninong niya kay Aya. Ok lang din nmn kay tatay ritsard. Pero bago kami naging ok ni ex, sobrang dami pang pinagdaanan tulad ng parinigan kapag reunions, status vs status sa fb, mga ganun. Pero masaya naman kasi ok na. Pinagtatawanan na lang namin ang nangyari.
Masyadong komplikado kapag dinetalye ko pa. Kaya yan na lang ang sinabi ko. Hahaha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ngayon ko lang nabasa ito pero ikaw na talaga. Ano bang mayroon ka wala ako? Haha magaling mag dota at ragnarok? 70$ panalo ito, ang dami kong hindi kayang gawin diyan lalu na iyong kunin pa siyang ninong. 100M na pakimkim kunin ko siya haha at ok na ang lahat lahat cheret!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations @romeskie! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of comments
Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Do not miss the last announcement from @steemitboard!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit