Bilang isang anak, dapat ay magalang tayo sa ating mga magulang dahil kung wala sila at Hindi tayo inalagaan simula nong tayo ay maliit pa lamang wala sana tayo ngayon dito sa mundong ating ginagalawan. Bilang isang anak mahalin at respituhin natin ang ating mga magulang dahil Hindi madali sa kanila at sobrang hirap sa kanila para tayo ay alagaan, lalo na nong panahon na maliliit pa tayo.
Tayo ay nagkasakit halos di na makakain ang ating mga magulang dahil tayo ang inuuna nila at inalagaan hanggang sa pagtanda natin nakaalalay parin ang ating mga magulang kahit na tayo ay may sariling pamilya na rin. Hindi nawawala ang pagiging magulang nila hanggang sa pagtanda nila at habang sila ay nabubuhay pa. Kaya para sa ating mga anak dapat nating pahalagahan sila at sisikapin maaalagaan sila hanggang sila ay matanda na dahil ang buhay ay sadyang napakarupok.
Kung kailan ba sila wala na sa ating saka natin sasabihin na Mahal na Mahal natin sila? kung kailan ba sila wala na saka nalang ba natin sila pahahalagahan? kaya para sa ating mga anak dapat na may pagpapahalaga tayo sa ating mga magulang kahit na sila ay may malaking pagkukulang sa ating dahil may malaking utang na loob tayo sa ating mga magulang dahil kung Hindi sa kanila wala tayo ngayon dito sa mundong ito.
At hindi natin matupad ang ating mga pangarap kung Hindi dahil sa kanila, kaya hanggang sila ay may buhay pa mahalin, pahalagahan,aalagaan at respituhin natin sila dahil sila ay nag iisa lang dito sa mundo hindi tayo makahanap ng mga magulang kung wala na sila kaya hanggang kaya natin ibigay natin sa kanila ang nararapat na pagmamahal at pag aaruga sa kanila.
Sobrang miss ko na sila, malapit na tau magkikita mama at papa.