Kasal ito ang kadalasang happy ending sa mga teleserye, pelikula, drama o maging komedya. Dito winawakasan ang mga kwento na sa kabila ng mga hirap na dinanas ng mga karakter nauuwi pa rin sa happy ending.
Sana ganito sa realidad, kasal ang mgbibigay ng happy ending sa mga taong tunay n nagmamahalan. Kasal ang tatapos sa mga hirap sa buhay, kokompleto sa mga pamilyang pinaghiway, bubuklod sa mga pamilyang minsang pinag away away at maging daan din sana upang lahat ng tao maging masaya. Pero lahat ng ito hanggang "SANA" lang. Magigising ka sa katotohanan na ang kasal ay happy BEGINNING at hindi happy ENDING. Ito ang simula ng bagong kabanata ng iyong buhay. Susubok sa tapat na pagmamahalan, susukat sa lawak ng iyong kaisipan at haba ng pag unawa at pagpapasensya. Ito ang simula na hindi mo alam kung saan at paano magwawakas. Pero anu man ang kahahantungan ang mahalaga masaya ka kahit sa simula lang dahil lahat tayo hindi nabibigyan ng masayang wakas. Pero kung maniniwala tayo sa diyos maari naman tayo mabigyan ng buhay na walang wakas..
Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Hahah agree
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit