Hindi mahalaga sa atin ang yaman o kilala ma tayo dito sa mundo, tama na sa atin na mayron tayong panggastos sa pang araw araw natin para sa ating mga Mahal sa buhay. Hindi na mahalaga ang kayamanan o maging kilala tayo sa lipunan, dahil maging masaya lang ang aking pamilya o mahal sa buhay itoy sapat na kayamanan aking hinangad,lahat tayo dito sa mundo ay nangangarap na maging maginhawa ang ating buhay at maging kilala sa lipunan, pero ito ung unang rason kung bakit ang kadalasan sa pamilyang ito ay nagkawatakwatak dahil na rin sa walang communication sa kanilang pamilya dahil na rin sa kawalan ng oras lalo na ang mga magulang sa kanilang mga anak, kaya ang paghahangad ng kayamanan at maging kilala sa ating lipunan ay Hindi masama.
Ang nakakasama wala kanang oras o bonding moment sa ung mga anak dahil ang mga magulang ay laging busy sa kanya kanya schedule sa araw araw, kaya Hindi nalalaman ng mga magulang na ang kanilang mga anak ay nalolong na sa mga masamang gawain, napabarkada na mga masasama dahil walang mga magulang na gumagabay,maraming napariwara na puri dahil gusto lang ng mga kabataan na makapangpalipas oras dahil oras oras o araw araw walang mga magulang na nakikita ng mga kabataan,kaya para sa akin na bilang isang magulang, malaki ng pasalamat ko kahit na mahirap lang ang aming pamumuhay, dahil may sapat na oras ako sa aking pamilya, Hindi ko hangad na magkaroon ng yaman o maging kilala ako sa lipunan.
Ang tanging hangad ko lang na mapasaya ko ang aking pamilya, mapaglingkuran ang aking pamilya ng buong buo, at maaalagaan ko sa anu mang oras na kailangan ako ito sobrang sapat na para sa akin, aanhin ko ang pagiging mayaman o bilang kilala sa lipunan na kung ang pamilya ko naman ang naging problima na rin sa lipunan dahil sa wala ng panahon para sila aarugain,kaya para sa akin ang kayamanan at pagiging kilala sa lipunan ay Hindi mahalaga , para sa akin makikita ko lang ang aking pamilya na silay masaya itoy sobrang sapat na, makikita ko lang ang aking pamilya na masaya sila dahil sa aking pag aalaga itoy sobrang sapat na, aanhin mo ang yaman at pagiging kilala sa lipunan kung walang saya sa piling ng iyong pamilya,kaya ugaliin nating magdasal lagi sa ating panginuon na patnubayan niya tayo sa lahat ng mga Gawain natin dito sa mundo,marunong din tayong makontinto kung anu ipinagkaloob sa atin ng panginuon sa atin.