Sa paligid natin ay sadyang may maraming nakamasid na mata at nakasubaybay sa bawat kilos at galaw natin. Maaring ito'y nagbabantay sayo o nanghuhusga na sayo.
Sa mundong ginagalawan natin ngayon ay marami ng mga matang humuhusga kahit hindi ka pa masyadong kilala.
Kung minsan nga malabo at kung minsan naman ay malinaw ang ating paningin. Ngunit mayroong tao na kung gaano ka linaw ang mata ay ganoon din kalabo ang kanyang paninindigan sa sarili.
Sa buhay ng tao, marami na din ang nagawa nating mabuti ngunit kung magkamali tayo ng isang beses ay
parang napakasama mo na. Sadyang mapaglaro ang buhay. Ang palaging nakikita ay ang isang kamalian lamang kumpara sa maraming kabutihan na iyong nagawa. Bakit kaya? Kayo na ang humusga.
Kung minsan din ay inaabuso natin ang kahalagahan ng ating mata. Hindi natin ito ginagamit sa wastong paraan.
Sinasabi nga na:
Kapag ang iyong mata nagkasala ay ang iyong buong katawan ay nagkasala din.
Tandaan din natin na ang mata ay bintana ng ating kaluluwa.
Ganoon katindi ang gamit ng ating mga mata.
Kaya dapat nating gamitin sa wastong paraan.
Huwag magbulag-bulagan sa mga taong nangangailangan, maging mata tayo sa mga bulag na hindi kailanman nakakita sa mundo ngunit nangangarap ng liwanag sa dilim nilang buhay.
Kaya tayong may dalawang mata ay maging mapanuri at mapagmatyag sa ating paligid dahil may laging nakamasid.
Higit sa lahat , saang dako ng mundo man tayo ay may mga matang laging nakabantay sa atin sa itaas. Wala anumang bagay ang nakakaligtas sa kanya mas malala pa sa CCTV camera. Maging maingat para hindi magsisi sa huli.
Hanggang sa muli @steemit.
Nagmamahal,
@wittyjov24