Sa edad lang ako millenial.
Ang ganda kaya ng instafeed ng mga Millenial.
Hindi ako gaano nakapaglaro ng mga old-school Gameboy or tamagochi,
Hindi rin ako gaano kabihasa sa pagco- computer.
Napagtawanan pa nga ako na hindi ako marunong mag- internet eh.
Tinuruan pa nga ako ng bagay na alam ko naman kasi hindi ako ganoong katiwala pa noon sa Internet.
Natural nga lang sa akin noon ang gumamit ng Mongol No. 2 para ikutin pabalik ang casette tape.
Kung dati obvious kung bakit corrupted ang VHS or may gasgas kasi ang CD RW kaya 'di ko pa rin magamit ulit,
ngayon hindi mo alam kung bakit corrupted na yung mga webcam videos na nirecord ninyo at sa VLC lang siya maayos. Double pa ang sound.
Aliw na aliw pa magdownload ng mga music player skins and turntable apps ngayon hyperconsumer ka na ng Spotify.
Hindi ko alam na Multiply is for music, akala ko pugad lang talaga ng mga emo kids kasi secrets and confessions madalas ang mga nakalagay.
Lahat marunong mag-gitara, songhits kapag brownout. Songhits kapag nagkukutuhan. Songhits kapag kumakain ng HAPPY at umiinom ng softdrinks na nakalagay sa supot.
Atbp. And so forth. Blah blah. Yada yada
Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!