Masked Coquette: Ikaanim na Bahagi

in nobela •  6 years ago 

ikaanim na Bahagi.PNG

MASKED COQUETTE

sa panulat ni @jemzem


Masked Coquette.PNG

Ang nakaraan...

Paakyat na sana siya sa hagdanan para tumungo sa kaniyang kuwarto at nang makapagpahinga na, pero bigla na lang sumulpot sa gilid niya ang isang nakaputing babae. Tila humiwalay ang kaluluwa niya dahil sa gulat. Kung hindi lang siya hilong-hilo ay baka napatakbo na siya nang matulin papunta sa kaniyang kuwarto.

"Saan ka galing?" Malamig ang boses nito na lalong nagpatindig ng kaniyang balahibo.


Nang mas lumapit pa ito sa kaniya ay tsaka niya pa lang naaninagan ang pagmumukha nito kaya nakahinga siya nang maluwag.

"F**k, Zheanne! Bakit ba bigla-bigla ka na lang sumusulpot?" naiinis niyang bulyaw rito.

Nagpakawala naman ng mahinang halakhak si Zheanne habang aliw na aliw itong pagmasdan ang takot na ekspresyong nakapaskil sa kaniyang mukha.

"You think I'm a white lady? Sa ganda kong ito, mapagkakamalan mo talaga akong multo?"

Nakaramdam naman siya ng pagkairita sa kaharap kaya tinalikuran na niya ito at nagpatuloy siya sa pag-akyat sa hagdan. Nakailang hakbang pa lang siya nang biglang pumulupot si Zheanne sa kaniyang braso. Hindi siya mapakali sa ginawa nito kaya inialis niya ang kamay nito mula sa pagkakapulupot sa kaniyang braso.

"Are you crazy? Nasa loob tayo ng pamamahay namin! Baka may makakita sa kalandian mo!" pabulong niyang saad at nagtitimpi na huwag itong pagtaasan ng boses at baka may makarinig sa kanila.

"Kalandian ko lang? Bakit, 'di ba't malandi ka rin naman?" wika nito sabay ang paghawak nito sa maskulado niyang dibdib.

Muling nakaramdam ng kakaibang sensasyon si Martin dahil sa ginawa ng dalaga. Ang tindi talaga ng epekto ni Zheanne sa kaniyang pagkalalaki. Naisip niyang marahil ay dahil ibang-iba talaga si Zheanne kumpara sa unang babaeng natikman niya. Si Zheanne lang ang nagpatikim sa kaniya ng nakababaliw na sarap na hindi niya inaasahan.

"Let's go to your room!" sambit nito at hinatak siya papunta sa kaniyang kuwarto.

a.png
Tuloy-tuloy ang paghatak ni Zheanne kay Martin papunta sa kuwarto nito. Matagal niyang hinintay ang pagdating ng binata at ilang beses na rin siyang nagpabalik-balik sa ibaba para tingnan kung dumating na ito. Sinigurado naman niyang pagurin nang todo si Mike para mahimbing ang tulog ng matanda at hindi nito malaman ang plano niya kay Martin. Gusto niya lang pasalamatan ang binata dahil sa pagtanggap nito sa deal. She wanted to give him a mind-blowing thanksgiving party!

Habang tuloy-tuloy silang naglalakad papunta sa kuwarto ni Martin, nakatuon naman ang paningin nito sa kuwarto ng ama. Kahit papaano ay may kaunting parte pa ng utak nito ang hindi kinain ng alak. He didn't want to betray his own father, but he also didn't want to betray his excited friend down there.

Nang mapagtagumpayan nila ang pagpasok sa madilim na kuwarto ng binata ay mabilis na kumilos si Zheanne. Agad niyang hinubad ang saplot ni Martin. Wala siyang oras para dahan-dahanin ang lahat dahil gusto niyang makaraos bago sumikat ang araw.

"This will be quick, Martin. But this will be great!" aniya habang patuloy pa rin sa paghubad sa damit nito.

He wanted to do it with her immediately, but his head was aching as f**k!

Natapos nang tanggalin ni Zheanne ang pang-itaas nitong suot kaya dumako naman siya sa pang-ibaba nitong saplot. She was about to unbuckle his belt when Martin puked in front of her. Tumigil siya sa ginagawa at binigyan niya ng nakamamatay na tingin si Martin.

"Martin! Bakit mo ako sinukahan? Do I look like a sink?" naiinis niyang bulyaw rito.

"I'm sorry, I really felt dizzy," sagot nito bago siya tinalikuran.

Nagmadali itong humiga sa malambot nitong kama at agad na pumikit. Hindi na nito kayang labanan ang kalasingang kanina pa nitong nararamdaman. Ilang minuto lang ang lumipas nang pumikit ito ay mabilis din naman itong nakatulog.

Naiinis pa rin si Zheanne dahil sa ginawang pagsuka ni Martin sa harap niya. Gusto niyang maduwal sa nakakadiri na niyang amoy dahil sa suka na nasalo niya. Lumingon siya sa nakahigang si Martin at nararamdaman niyang natutulog na ito kaya napagpasyahan niyang lumabas na lang sa kuwarto nito. Itutuloy na lang niya ang thanksgiving party para kay Martin kapag nakahanap ulit siya ng tiyempo.

Naglakad na siya papalapit sa pinto ng kuwarto para umalis na. Nang makalabas na siya ay hindi niya inaasahang bubulaga sa harap niya si Mike.

Bigla siyang kinain ng nerbyos dahil sa gulat. Parang gusto niyang magpalamon na lang sa lupa o mag-teleport agad-agad. Hindi niya napaghandaan ang eksenang ito kaya nag-panic ang utak niya kung anong gagawin at kung anong sasabihin sa matandang gulat ding makita siyang galing sa loob ng kuwarto ni Martin.

"Zheanne?" Nakapinta sa mukha ng matanda ang labis na pagtataka. "What are you doing inside my son's room?" may bahid na pagdududang tanong nito.

Parang may kung anong tinik sa loob ng kaniyang lalamunan at pinipigilan siya niyong magsalita.

Itutuloy...


Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:

Masked Coquette: Panimulang Bahagi
Masked Coquette: Unang Bahagi
Masked Coquette: Ikalawang Bahagi
Masked Coquette: Ikatlong Bahagi
Masked Coquette: Ikaapat na Bahagi
Masked Coquette: Ikalimang Bahagi

Ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito ay Martes, Huwebes at Sabado kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari. Kung hindi man ako nakapag-post sa nasabing schedule sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi.

At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D

Maraming salamat sa pagbabasa! :)


pinagkunan ng larawan:1, 2

7.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem banner.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations @jemzem! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of posts published

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

To support your work, I also upvoted your post!

Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

Napublish na ba to in print? Pang libro talaga Jemzem. Nakakatuwa un mga detalye ng kwento at banat ng mga karakter. One of these days, hahanapin ko rin yang original version haha.

Hindi pa ito nai-publish kasi hindi pa 'yan tapos. Wala nga rin sana akong balak tapusin ito e, kaso ang galing mang-motivate nina lodi jampo at boss. Hehehehe. Maraming salamat sa pagtuloy na pagbabasa, @jazzhero! :D