Masked Coquette: Ikapitong Bahagi

in nobela •  6 years ago 

ikapitong Bahagi.PNG

MASKED COQUETTE

sa panulat ni @jemzem


Masked Coquette.PNG

Ang nakaraan...

"Zheanne?" Nakapinta sa mukha ng matanda ang labis na pagtataka. "What are you doing inside my son's room?" may bahid na pagdududang tanong nito.

Parang may kung anong tinik sa loob ng kaniyang lalamunan at pinipigilan siya niyong magsalita.


Makalipas ang ilang segundo ay huminga muna siya nang malalim at pilit na pinakakalma ang sarili.

"My goodness, Honey! Your son is drunk! And look what he did to me..." Ipinakita niya ang sukang nagkalat sa harap ng damit niya. "Sinukahan lang naman ako ng magaling mong anak!" maarte niyang sagot.

Hindi umimik si Mike at nakatingin lang ito sa nasukahan niyang damit. Nakaramdam siya ng inis dahil tila nagdududa pa rin ang matanda sa kaniya. She could't accept that all her efforts will be wasted. She had to do everything para maisagawa niya ang lahat ng kaniyang plano. She couldn't and would never accept failure and defeat!

"I went in the kitchen to drink. Binangungot na naman ako kanina kaya noong nagising ako ay nararamdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko. Saktong pagbaba ko ay siya namang pag-uwi ni Martin. He's too drunk at bigla na lang siyang humiga sa sahig. I can't believe na kaya niya palang magpakalasing na parang wala ng bukas. I can't afford to leave him lying on a cold floor. I'll be her mother soon kaya hindi ko siya puwedeng pabayaan. Kaya naman tinulungan ko siyang makarating sa kuwarto niya. At sa ginawa kong pagtulong sa kaniya, this is all I've got! Susukahan niya lang pala ako!" dire-diretso niyang paliwanag.

Tumango-tumango naman ang matanda pagkatapos niyang magpaliwanag. Nararamdaman niyang naniniwala na ito sa gawa-gawa niyang kuwento

Lumapit ito sa kaniya at inakbayan siya. "I'm sorry, Honey. Pasensya ka na kung naisip ko kaagad ang posibilidad that you're cheating on me nang makita kitang lumabas sa kuwarto ni Martin. Buti na lang at mali ako. Hindi ko makakaya kapag nalaman kong sa lahat, pagtataksilan ako ng sarili kong anak. Alam ko rin kasing hindi na ako bumabata at madali mo akong mapapalitan ng mas bata at mas makisig pa kaysa sa 'kin. Sa taglay mong alindog at ganda, hindi malayong tangkahin ng iba na agawin ka sa 'kin. Kaya nga gusto ko na agad na maikasal na tayo sa lalong madaling panahon para akin ka na talaga."

Lihim siyang napangiti sa tinuran ni Mike. Nagdiriwang ang kaniyang puso dahil sa katotohanang baliw na baliw na nga ang matanda sa kaniya.

"Ganyan nga, Mike! Hindi na ako makapaghintay na kamkamin ang lahat ng yaman n'yo at lumuhod kayong lahat sa 'kin! Hindi na ako makapaghihintay na tuluyan kong mapagtagumpayan ang mga plano ko. Ang mga plano namin," wika niya sa sarili.

Binigyan niya si Mike ng kaniyang inosenteng tingin. Hindi sapat ang eksena nila. Gusto niya ng kaunting thrill at heavy drama. Ayaw niya ng mapakla at walang kabuhay-buhay na eksena kaya lalagyan niya ito ng lasa at anghang.

"Of all people, I never expected na pag-iisipan mo akong cheater. Alam mo namang marami na akong naririnig na panghuhusga sa pagkatao ko, 'di ba? Kesyo pera lang talaga ang habol ko kaya pumatol ako sa 'yo. Na inakit at nilandi lang kita kaya mo ako nagustuhan. Sekretarya lang naman ako at ikaw ang presidente ng kompanyang pinagtatrabahuan ko. Pero hindi ko rin naman kayo masisisi kung ganyan kababa ang tingin n'yo sa 'kin. Ayaw ko naman talagang pumatol sa 'yo kasi alam kong huhusgahan ako ng maraming tao. Pero sa tinagal-tagal ng panliligaw mo sa 'kin, nakikita at nararamdaman kong isa kang mabuting tao, Mike. Nararamdaman kong magiging isa kang mabuting asawa sa 'kin regardless of our age gap. Kapag tumibok nga siguro ang puso, hindi na ito kayang diktahan. Pumayag akong papasukin ka sa buhay ko dahil nahuhulog na ako sa 'yo. At pumayag ako sa alok mong kasal dahil alam kong mahal mo ako at hinding-hindi mo ako huhusgahan." Tumigil siya sa pagsasalita dahil sa biglaang pagbagsak ng mabibigat niyang luha.

Agad niya namang pinunasan ang luhaang mata at muling tumingin kay Mike. "P-pero kung ganitong kaya mo pala akong husgahan at pagdudahan, mas mabuti pang huwag na nating ituloy ang kasal." Tuloy-tuloy sa pagbagsak ang nag-uunahan niyang mga luha.

Ito ang gusto niyang eksena. Ito ang drama na tatak Zheanne. Kahit na walang tigil ang pagbuhos ng luha sa kaniyang mga mata, sa loob-loob naman niya'y humahagalpak siya ng tawa lalo na't nararamdaman niyang nag-alala ang matanda sa kunwaring pag-ayaw na niya sa kasal.

Kung nandoon din ang kaibigan niya, tiyak na papalakpakan siya nito nang bongga sabay sigaw ng, "And the Best Actress Award goes to...Zheanne Santander!"

"I'm sorry, Honey! I'm sincerely sorry. Maling-mali ako na pagdudahan ka agad. Forgive me, and I promise that I will never do it again. Alam ko namang totoong mahal mo ako dahil ramdam na ramdam ko naman 'yun. I don't know kung bakit pumasok sa utak kong pag-isipan ka ng masama kahit na alam kong desente at inosente ka namang babae. So, please forgive me and give me a chance, Honey." Niyakap siya nito at hinalikan ang kaniyang noo.

Kumawala siya sa pagkakayakap ni Mike sa kaniya. "Don't hug me, Honey!"

Nagsalubong ang kilay ng matanda sa pag-aakalang galit siya rito at hindi niya ito mapapatawad.

"Please, Zheanne..."

"Napatawad na kita, Honey. Hindi kita kayang tiisin, ganyan kita kamahal. Pero huwag mo muna akong yakapin dahil may suka pa ang damit ko. Tingnan mo, nadumihan na rin tuloy 'yang damit mo."

Tumingin si Mike sa damit nito na nabahiran na rin ng suka. Pagkatapos ay tumitig ito nang malagkit sa kaniya. "E 'di tara na sa banyo at sabay na tayong maligo." Ngumiti nang nakakaloko ang matanda at inakbayan siya nito habang naglalakad sila papunta sa kanilang kuwarto.

Itutuloy...


Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:

Masked Coquette: Panimulang Bahagi
Masked Coquette: Unang Bahagi
Masked Coquette: Ikalawang Bahagi
Masked Coquette: Ikatlong Bahagi
Masked Coquette: Ikaapat na Bahagi
Masked Coquette: Ikalimang Bahagi
Masked Coquette: Ikaanim na Bahagi

Ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito ay Martes, Huwebes at Sabado kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari. Kung hindi man ako nakapag-post sa nasabing schedule sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi.

At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D

Maraming salamat sa pagbabasa! :)


pinagkunan ng larawan:1, 2

7.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem banner.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

and the FAMAS Award for Best Actress goes to... (drumroll)
Zheanne Santander 👏👏👏
ang galing mo talaga @jemzem at ang bilis ng palit emosyon ni Zheanne.
next chapter na, ano kaya magaganap sa banyo? nyahaha! 😁

Mas magaling ang bruhang si Zheanne, lodi. Hehehehe. May detailed eksena sana sila sa banyo lodi, kaso kasama rin yan sa binura kong eksena. Pabebe na kasi ang character ni Zheanne ngayon e.