Masked Coquette: Ikatlong Bahagi

in nobela •  6 years ago 

ikatlong Bahagi.PNG

MASKED COQUETTE

sa panulat ni @jemzem


Masked Coquette.PNG

Ang nakaraan...

Nagpalinga-linga siya sa paligid at tinitingnan kung may ibang tao ba maliban sa kanila. She made sure na walang ibang tao sa loob ng parking space noong lumapit siya kay Martin, pero gusto niya pa ring siguraduhin na wala pa ring ibang tao sa oras na iyon. Nang makitang sila pa ring dalawa ang nasa lugar na iyon ay hinayaan na lang niya si Martin na kaladkarin siya.


Nang makarating na sila sa ipinaradang sasakyan ni Martin ay nagmamadali itong buksan ang kotse. Agad naman siya nitong pinapasok sa kotse at pinaupo sa back seat. Nang makapasok na rin ito ay mainit siya nitong hinalikan. Habang tinutugon niya ang halik ng binata ay iniikot niya ang paningin sa loob ng kotse nito. Kaya pala malakas ang loob nitong gumawa ng milagro sa loob ng sasakyan ay dahil tinted ang salamin ng kotse.

Kung sa kuwarto ng hotel ay siya ang agresibo, kabaligtaran naman ang nangyari sa kanila sa loob ng kotse nito. Martin was too aggressive and eager to get her.

They did it inside Martin’s car and satisfactorily reached the cloud nine.

Agad na umupo si Martin sa tabi niya habang pareho silang hinahabol ang hininga. Nagtitigan silang dalawa na tila nag-uusap ang kanilang mga mata.

"Now that I already satisfied your lust, I'm hoping that you'll take the deal seriously," ani Zheanne habang naghahabol pa rin ng hininga.

Martin touched her face and stared at her lips. Mayamaya ay inilapit nito ang mukha sa mukha niya at siniil siya nito ng nakababaliw na halik.

"Of course, Babe. May isang salita ako," sagot naman nito in between his kisses.

Napangiti siya sa sagot ng binata. Kampante rin siyang tutuparin nga nito ang sinabi. Lalo na't nararamdaman niyang nagsisimula nang mabaliw si Martin sa kaniya. At mas babaliwin pa niya ito.

She kissed him again and was thinking of doing it again. Pero bigla na lang tumunog ang kaniyang cell phone.

Her ringing phone was too distracting that she lost her focus. Tiningnan niya ang reaksyon ni Martin at nakita niyang distracted din ito.

"Sagutin mo na, baka importante."

She rolled her eyes in disappointment. Kapag nalaman niyang hindi importante ang tawag, sasakalin niya talaga ang nang-istorbo sa kanila.

Umalis na siya sa pagkakakandong kay Martin at umayos ng upo. Hinanap niya kung nasaan 'yung cellphone niya at nakita niya naman agad ito sa gilid ng lalaki.

Kinuha niya ito at tiningnan kung sino 'yung tumatawag. Umismid siya nang malaman niyang ang matandang Fiancé niya pala ang nang-istorbo sa kanila.

"Hello, Zheanne? Nasaan ka na? The event is already finish at nagsiuwian na ang lahat. Uuwi na rin tayo," wika ng matanda sa kabilang linya.

"Nandito na ako sa loob ng kotse, Honey. Sorry kung hindi na kita tinawagan, napaidlip kasi ako. Hindi na rin ako nakapagpaalam sa 'yo na mauuna na ako rito, hindi na kasi kita nakita sa loob kanina," agad niyang sagot.

Mabuti na lang at mabilis talaga ang utak niya. Lying is one of her expertise, too. Kaya natural na natural na sa kaniya ang gumawa ng excuses at alibis.

"It's okay. Pupunta na ako riyan."

At agad niyang pinutol ang tawag. Humarap naman siya kay Martin na sarkastikong ngumiti sa kaniya. He just can't believe sa mga kaya niyang gawin.

"I have to go, Martin. Papunta na ang daddy mo rito at kailangan mo na ring umalis agad para hindi niya makita ang sasakyan mo bago siya makapunta rito." Hindi siya magkaundagaga sa pagpulot ng kaniyang damit at nagmamadali siyang nagbihis.

Tiningnan lang siya ni Martin at hindi pa rin ito kumikilos. "I don't know kung bakit kita hinahayaang lokohin mo si daddy. I just don't know."

Muli siyang humarap sa binata at sarkastiko niya itong nginitian. "Because you can't resist my charm. At malibog ka rin talaga, hindi ka lang siguro aware." Hinaplos niya ang mukha nito papunta sa maskulado nitong dibdib. "Tandaan mo ring tinanggap mo na ang deal, kaya wala nang bawian. Hindi ka na puwedeng umangal sa kasal namin ni Mike. Huwag mo nang ituloy ang plano mong paghiwalayin kami before our wedding. At saka dapat mo nga ring ikatuwa na ikakasal ako sa daddy mo, e. Ayaw mo n'on? May mommy ka na, may FuBu ka pa. Hayaan mo lang kaming makasal, makakaasa kang mas pasasayahin pa kita." Hinalikan niya ang binata bago siya bumaba sa kotse nito.

Nagmamadali naman siyang naglakad papunta sa nakaparadang kotse ni Mike. Medyo malayo ang kinaroroonan nito mula sa kotse ni Martin kaya mas binilisan niya ang mga hakbang. Buti na lang din at hindi malapit ang kotse nila sa kotse ni Martin. Kung nagkataon ay baka nakita siya ng driver nila na pumasok sa kotse ng binata.
a.png
Habang naglalakad ay biglang nagbalik-tanaw sa isipan niya kung paano niya nadala si Martin sa loob ng kuwarto ng hotel na siyang dahilan kung bakit napapayag niya ito sa plano niya.

"Hi, Martin! You look stunning today!" agad niyang nilapitan ang binata nang makita niya itong pumasok sa loob ng hotel na pinagdarausan ng event ng kompanya ng pamilya nito.

Akala niya ay babalewalain lang siya ng lalaki na lagi nitong ginagawa sa tuwing nilalapitan niya ito. Lagi niya rin kasing pinupuri si Martin at bahagya rin itong inaakit. Pero hindi siya nito pinapansin at panay lang ang pag-iwas nito sa kaniya. He was vocal sa pagtutol nito sa kasal nila ni Mike. Naaamoy kasi nito na pera lang ang habol niya sa ama ng binata—which is true. Pero hindi siya susuko dahil alam niyang bibigay rin ito at mapapapayag niya rin ito. Besides, marami pa talaga siyang plano sa mga Francisco kaya determinado siyang mapabilang sa pamilya ng mga ito. She'll do everything she can para manalo sa labang pinasukan niya.

Napangiti siya nang makitang malagkit ang tingin ni Martin sa kaniya. He was gazing at her from head to toe at ramdam niyang pinagpapantasyahan na siya ng kaharap sa utak nito. Tumitig din ito nang matagal sa cleavage niyang nakakaakit. She was wearing a red tube style gown kaya kitang-kita ang cleavage niya. She loved to wear that kind of dresses and gowns dahil nae-emphasize at nakikita ng karamihan ang gandang taglay ng hinaharap niya.

"You know, Martin..." binasag niya ang katamihikang bumabalot sa kanila. "I can give what you want, right now." Nginitian niya ito at binigyan ng makahulugang titig.

Sarkastikong tumawa ang kaharap niya at tinitigan siya. "I want nothing from you, Zheanne. Well, all I want is that lubayan mo na si daddy!"

Napangiti siya sa tinuran nito. "I can sense that you're lying, Martin. You want me. You want my body. I can give it to you if you'll accept my deal."

Nagsalubong ang kilay nito dahil sa narinig. "Deal?"

"I'll give you myself whenever you wanted to. In short, I'll be your FuBu. But don't worry, that will be a secret at walang makaaalam. Huwag ka lang tumutol sa kasal namin ni Mike, at makakaasa kang patitikimin kita ng kakaibang ligayang hindi mo pa nararamdaman sa iba mong naikama." Pabulong man ay may halong pang-aakit ang tono ng kaniyang boses.

Tumitig nang seryoso si Martin sa kaniya na tila pinag-iisipan nang malalim ang sinabi niya. Tama rin kasi siya, matagal na siyang pinagpapantasyahan nito. Pero ayaw nitong kumilos dahil ayaw nitong sulutin ang babaeng pagmamay-ari ng ama.

"I'll help you think, Martin. Just follow me."

Lumingon-lingon siya sa paligid at hinanap kung nasaan ang kaniyang fiancé. Nang makita niyang busy pa rin itong nakikipag-usap sa mga kasosyo sa negosyo ay agad na siyang kumilos. Mailap niyang hinawakan ang kamay ni Martin at kinaladkad ito palabas ng social hall at naglakad sila papunta sa kinuha niyang kuwarto the day before the event. Pinlano niya talaga ito nang mabuti kaya lumulundag ang puso niya sa tuwa dahil umaayon ang lahat sa plano niya. Buti na lang at busy ang lahat ng kakilala nila doon sa loob ng social hall kaya walang nakapansin sa kakaibang ikinikilos nila. Hindi rin umaangal si Martin at tahimik lang itong sumusunod sa kaniya.

Nang makarating sila sa loob ng isang kuwarto ng hotel na kinuha niya ay agad siyang kumilos at itinulak si Martin pahiga sa kama.

Iyon ang simula ng laro nila ni Martin. At sa mga larong lalaruin pa nila, titiyakin niyang siya ang laging mananalo.

Itutuloy...


Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:

Masked Coquette: Panimulang Bahagi
Masked Coquette: Unang Bahagi
Masked Coquette: Ikalawang Bahagi

Ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito ay Martes, Huwebes at Sabado kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari. Kung hindi man ako nakapag-post sa nasabing schedule sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi.

At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D

Maraming salamat sa pagbabasa! :)


pinagkunan ng larawan:1, 2

7.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem banner.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!