Masked Coquette: Unang Bahagi

in nobela •  6 years ago  (edited)

Masked Coquette.PNG

MASKED COQUETTE

sa panulat ni @jemzem


unang Bahagi.PNG


"I know you want me, Martin!" Agresibong itinulak ni Zheanne ang bente tres anyos na binata nang makapasok na sila sa loob ng isang kuwarto.

Napahiga ito sa kama at halatang gulat sa pagiging dominante niya. She knew that this jerk likes her so much. Sa titig pa lang nito na animo'y hinuhubaran siya'y alam na niyang pinagpapantasyahan nito ang katawan niya.

"H-How about Dad?" Napalunok ito nang wala sa oras habang pinagpapawisan nang malagkit.

Umismid siya sa tinuran ng anak ng kaniyang fiancé. "Hindi niya naman ito malalaman..." Agad siyang pumaibabaw rito habang dahan-dahang hinuhubad ang suot niyang gown.

They were both in a five star hotel dahil doon idinaos ang isang event ng kompanya ng matandang kaniyang mapapangasawa. Kasama nila ang matandang presidente, pero marami itong kausap na kasosyo sa negosyo kaya madali sa kanila ang tumakas mula sa paningin nito.
Nang sandaling iyon nga'y nasa isang kuwarto sila ng naturang hotel.

Habang ang kaniyang matandang fiancé ay nasa social hall dahil sa event na hindi pa natatapos, agad naman nilang sinunggaban ang pagkakataon upang magnakaw ng matamis na sandali.

"Do you want me?"

Napalunok nang ilang beses si Martin habang titig na titig sa kaniyang katawan.

She's irresistible, she knew that. Kahit na kaedad lang niya si Martin ay hindi hamak na mas marami siyang karanasan kaysa rito. She's an expert in seducing a man. At wala pa siyang inaakit na hindi niya nakukuha.

Napalunok pa ito nang ilang ulit at tagaktak na rin ang pawis sa noo nito bago nakasagot."Y-yes! I want you, Zheanne!"

Nang marinig niya ang kompirmasyon ng binata ay agad siyang kumilos. They have to be quick para hindi mahalata ng kaniyang fiancé ang matagal nilang pagkawala sa event.

Tinapunan niya ng tingin ang mukha ng binata para makita ang reaksyon nito. Nagpigil siya ng tawa when she saw his blushing face na puno na rin ng pawis. Ngunit sa halip na pagtawanan niya ang binata, hinubad na lang niya ang suot nitong tuxedo. Baka sakaling makahinga na ito at maramdaman na nito ang lamig ng aircon sa loob ng kuwarto. Pero baka hindi rin, because she knew that she's damn hot!

Habang dahan-dahan niyang hinuhubad ang suot nito ay nararamdaman niya ang panginginig ng binata at ang paulit-ulit na pagtaas-baba ng adam's apple nito. She gave him a mocking smirk when she saw how she made Martin act so weird.

Habang tinitingnan niya ang tila kinakabahang binata, napangiti na lang siya nang nakakaloko. Malayo ito sa Martin na mahangin at saksakan ng yabang. Pinahihirapan pa siya nito dati dahil ayaw nito sa kanya para sa ama. Alam kasi nitong pera lang ang habol niya sa matanda na siyang presidente sa kaniyang pinagtatrabahuang kompanya. Iyon lang pala ang magpapalambot sa binata. Intense lust will make him give in.

They were both teasing each other. Pero pagkatapos ng ilang minuto ay biglang tumigil si Zheanne at tumayo na ikinagulat naman ni Martin.

"Is that it? Hindi man lang ba natin gagawin?" naguguluhang tanong ni Martin nang makita siya nitong dinadampot ang kaniyang damit at dahan-dahan iyong isinuot pabalik.

Pinitik niya ang suot niyang relo. "We can't, Martin. Patapos na ang event and we have to be there before it ends," she grinned while explaining.

Tumayo na rin ang binata at dinampot na rin ang damit nitong nagkalat sa sahig. "When will we do it...again?" interesadong tanong nito habang seryosong nakatitig sa kaniya.

Gumuhit ang ngiting-wagi sa kaniyang labi dahil sa sinabi ng binata. "Kung tatanggapin mo na ang deal," she said while grinning before leaving the room.

Naiwan si Martin sa silid na nakangiti dahil sa kakaibang quick experience na ipinaranas ni Zheanne sa kaniya. She's really an expert, he thought. And he's excited to get her.

Itutuloy...


Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:

Masked Coquette: Panimulang Bahagi

Ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito ay Martes, Huwebes at Sabado kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari. Kung hindi man ako nakapag-post sa nasabing schedule sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi.

At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D

Maraming salamat sa pagbabasa! :)


pinagkunan ng larawan:1, 2

7.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem banner.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jemzem being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.