Pagkain ng gulay ay kailangan ng ating katawan upang maging malakas. Kaya ang niluto ko ngayong hapon ay UTAN BISAYA kung tawagin sa amin. Utan bisaya ito ay masustansya at walang sakit na dumadapo hindi katulad ng baboy at manok. Ito ang pinakaligtas kainin.
Itong pagkain na ito ay masustansya may marami itong nutrisyon na makukuha. Kagaya lamang ng kalabasa, ang kalabasa ay pampalinaw ng ating mga mata. Ang malunggay naman ay para sa mga lactating women itoy nakakatulong at nagpapadagdag ng gatas ng isang ina.
Kaya kumain ng gulay araw-araw upang maging malusog at masigla😊😉😋