Paalam mahal naming PUSA,Paalam BONET

in paalam •  7 years ago  (edited)

images.jpeg

February 17, 2018
Hindi ko alam kung anong eksaktong oras namatay ang pusa ko.

Isang araw, nagkasakit sya.
Hindi na sya makatayo, hindi na makalakad ng maayos at hindi na kumakain.
Pag-inom na lang ng tubig ang kaya nyang gawin.
Pero umabot na sa punto na pati pag-inom di na nya ginawa.

Mabait syang pusa. Sya yung tipo na kapag binigyan mo ng pagkain, hindi nya agad kakainin. Titignan ka muna nya tapos lalapit sayo at mag mya-meow. Yung parang nagpapasalamat muna sya.

Sya yung tipong hindi madamot. Kapag tapos na syang kumain, babantayan nya lang yung pagkain at mag mya-meow. Pagkatapos nun, darating na yung mga kapitbahay na pusa. Para bang pinapakain nya pa.

Sya yung mabait na kapatid. Nakita ko kung paano nya ipinagluksa kapatid nya noong namatay ito. Yun bang pilit nyang nirevive ang kapatid nya para mabuhay. Yung tipong hanggang sa ilibing kapatid nya binantayan nya yung puntod ng tatlong araw. Nakaupo lang sya sa harap nung puntod. Aalis lang sya doon kapag kakain sya,babalik rin kaagad.

Sya yung tipong masunurin. Pag sinabing upo , uupo yun. Pag sinabing wag lumapit, di lalapit yun.

Pero ngayon, wala na sya. 😭 Mamimiss ko sya lalong lalo na yung mama ko.

Sa tinagal tagal, ngayon ko pang nakita ang mama ko umiyak para sa pusa. Mas close kasi sila.

Nakakaawa si Bonet. Akala ko hindi ako iiyak pero umiyak parin ako. Pero ang pinagkaiba, hindi ako nagwala. Alam ko kasi na namatay sya sa sakit at ngayon pwede na syang magpahinga.

Farewell Bonet. Iloveyou. Sana maging Masaya kana kung saan ka man ngayon. 😭 Mamimiss kita.Salamat sa mga oras na binabantayan moko noon. Salamat sa pagiging kasama namin ng pitong taon. Di kanamin malilimutan.

received_1805483189470928.gif

DQmeMfH9EGrwK3fSLUrnqtTdNnCr2yxVWDbD8jUy8SPmrGs.gif

received_10208718865609340.png

queenlouise07-1.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Condolence meowmy.
Run freely Bonet.

From Munigkay

JPEG_20180209_164350.jpg

thank you munigkay

This post has received a 0.07 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.

God! my cat is also experiencing the same thing. It's like a virus or something that it will affect their breathing. A few days ago.... the mother of my three kittens also my cat, died in minutes. Naghihingalo. and she was like gasping for air because their central nervous system has been broken. Found out that she was bit by another cat from her neck that caused her death in minutes. The three kittens were left to us who can hardly survive because they were just born. I exposed the three kittens in the sunlight and just left them outside. Tinangay nung kumagat sa nanay ng mga pusa ko yung siang kitten. now we were left with two, then namatay na din yung isa. ngayon isa na lang sya! and Gosh mukhang mamamatay na din at sobrang naaawa ako at bumili kami ng gatas na swak pack at dropper. hirap na syang tumayo. may picture ako nung nag post ako about kindness dito sa steemit. thank you for this post.

pag sobrang baby pa tapos walang nanay, posible talga mamatay..

mejo nga malakas na sya. tiyaga lang talaga sa pag pakain, at make sure na nakakadumi din ng maayos, marunong na sya maghanap ng pwesto sa labas ng bahay pag poo-poo sya :)