Image source: Google
Noong bata pa ako mga edad sampu ay naaalala ko, lagi akong isinasama ng aking lolo Jose sa aming bukid. Sumasama ako dahil ako'y labis na natutuwa kapag aking nakikita na madaming bunga ang kanyang mga pananim kagaya ng pakwan, kalabasa, melon, sibuyas at bawang .
Madaling araw pa lamang ay naghahanda na ang aking lolo ng kanyang mga gamit na gagamitin sa bukid. Palibhasa'y magkatabi kami sa papag kaya alam ko kapag bumabangon na sya dahil langitngit ang papag namin. Bumabangon na din ako kapag nakita kong nabangon na si lolo Jose. Pagkakain ng almusal ay sumasakay na ako agad agad sa kanyang bisikleta upang hindi ako maiwan.
Image source:Google
At kapag kami ay nasa kabukiran na, ako ay tinuturuan ng aking lolo Jose kung paano magtanim, magdilig at mag ani ng mga bunga ng kanyang pananim. Tandang tanda ko pa noon, kumakain ako ng buraot na pakwan. Ako ay nagdadala na ng kutsilyo upang gamitin pang hati sa pakwan. Nakikita ko ang masayang reaksyon ng aking lolo Jose kapag nakikita nya akong walang humpay na kumakain ng pakwan.
At kapag tapos na akong magdilig at magbunot ng damo, nananaltik ako ng mga mayang kumakain sa pananim namin. Gamit ko ang tirador na gawa ng aking lolo para sa akin, upang maprotektahan daw ang aming mga pananim.
Image source:Google
Sobrang namimis ko ang aking kabataan sa bukid kasama ang aking lolo. Sobrang namimis ko ang payak naming pamumuhay nuon. Simplemg buhay, masayang nag aani ng mga bunga sa bukid at iluluto o kakainin sa gabi pag uwi ng bahay.
Sobrang lungkot ko nuon nang mawala ang aking lolo Jose dahil sa kanyang malalang sakit. Edad labing Apat ako noon. Kaya sobrang namimis ko ang aming mga ala-ala. Kaya naman hanggang ngayon kapag napunta ako sa bukid, naalala ko ang mga masasayang araw namin ng aking lolo Jose sa bukid. Sobrang hinahanap hanap ko ang mga masasayang ala ala naming dalawa habang kami ay nagtatanim.
Hinding hindi ko ipagpapalit sa ibang karanasan ang karanasan ko sa bukid kasama ang aking lolo. Ito ay nagsisilbi kong inspirasyon sa buhay.
Kapag malungkot ako, pumupunta lang ako sa bukid at sinasariwa ang masasayang araw namin ng aking lolo. Alam ko masaya sya sa naabot kong tagumpay. Naalala ko nuon sabi ko sa kanya "lolo balang araw makakatulong din ako sa iba kagaya ng pagtulong nyo po sa akin". Tinuruan nya akong magtanim. At ngayon ako naman ang nagtuturo at nagtatanim ng kaalaman sa aking mga estudyante. Alam kong masaya na ang aking lolo jose kung nasaan man sya at alam ko pag nagkita kaming muli sasabihin nya "MAGALING APO"!
Ang ganda naman ng ni-share mong alaala. Hindi ko na inabutan ang lolo ko kaya naiinggit ako kapag nakakabasa o nakakarinig ng kwentong lolo at apo bonding.
Natakam tuloy ako sa pakwan. Haha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ako din #realtalk di ko inabutan ang Lolo ko kaya't wala akong idea sa mga ganyang bagay.
Panay laro lang ang nagawa namin ng mga ka tropa.
@romeskie pwede ba akong sumali din dito?
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Oo naman @toto-ph. Curious din ako kung anong panahon papasok ang kabataan mo. Hahaha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit