100th day Celebration | Writing Contest: Ang Paborito Kong Alaala | Anunsiyo ng mga Nanalo

in paboritongalaala •  7 years ago  (edited)

Mapagpalang hapon po sa inyong lahat!

Sa wakas ay nakapili na po ang ating poging poging hurado (pagbigyan na po natin siya dahil kaarawan niya noong nakaraang sabado) na si @tpikidkai. (Maraming salamat sa pagpapaunlak sa aking imbitasyon na maghurado. Dahil doon, ikaw ang sumakit ang ulo dahil sa pagkakagaling ng mga entries.) Maraming salamat din sa ating mga galante nating sponsors na sina @davinsh at @twotripleow. Alam na natin kung sino ang mga dapat na kunin na ninong ng mga anak anak natin.

Ako po ay natutuwa dahil karamihan sa mga entries ay na-feature aa kani-kanilang hubs at mayroon namang nakatanggap ng pinakaaasam-asam na curie vote. Paghusayan pa po natin ang paggawa ng mga akdang tagalog! Isulong po natin ang paggamit ng wikang Filipino dahil may kasabihan po tayo na ang hindi magmahal sa sariling wika, nako nagtatrabaho sa BPO. Biro lang po. Ako po'y isang alipin din ng BPO.

Wala nang paligoy ligoy pa, narito na po ang mga nanalo sa ating patimpalak. May kasama pa pong lab letter galing sa ating hurado.

received_2111458815793755.png
wala po akong kinalaman sa larawan na ito, si kuya @tpkidkai po ang gumawa niyan

Para sa 2nd place ay si @julie26

Ang lakas maka throwback yung kwento nya though may mga markdown issues parin gusto ko yung paraan ng pag ku kwento niya.

1st place si @johnpd

parang kwento ko din yun hahaha pasaway masyado though 1998 grade 2 palang ako nun. Kaya di relate

champion si @cheche016

ang kwela nung find your height plus ni spoken word. Ni effortan nya ang gawa nya.

Maraming salamat sa pagsali mga kapatid! Naging mala-time machine ang contest na ito na sumakto pa sa maulang panahon kaya talaga namang nakapang papasariwa ng mga alaalang sadyang nagdala ng kasiyahan sa ating kamusmusan.

Sana ay na-enjoy niyo ang ating patimpalak!
Hanggang sa muling pakontes!


Maraming salamat sa pagbabasa!



2123526103.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

unbelievable! di ko expected ito ate @romeskie, pinunong @tpkidkai 😱

Haha. Tingin ko dahil yan sa mala Bob Uy Ong mong estilo ng pagsusulat. Haha. Congratulations!

Fiction sinulat mo haha umpisa pa lang lintek na grade 4 1998 haha.

totoo un master @twotripleow nyahaha! bakit ba ayaw mo maniwala? bata pa ako uy!
hindi katulad mo, madaming bata.. at mahilig gumawa ng bata tama 😂

oohhh my GULAMAN! nakuha kayo sa boses bata kong tirada :D

salamat sis mas naappreciate ko yung pagtangkilik sa gawa ko kahit boses bata ako. hahaha

Hahaha. Magko-comment na nga sana ako na next time, wag yung anak ang pagsalitain natin sa mga spoken words poetry natin. Wahahah.

Congratulations!

congrats sa mga nanalo at congrats din sa mga natalo ..hehehe.

Congrats din @emelyn21. Sali ka ulit sa mga susunod pang patimpalak. :-)