Magandang buhay mga kapatid!!!
Isang linggo ang nakararaan ay nag-isangdaang araw ako dito sa Steemit. Bilang selebrasyon ay naglunsad ako ng patimpalak na pinamagatang Ang Paborito kong Alaala.
Ako'y nagagalak sa dami ng lumahok (dahil akala ko'y lalangawin itong patimpalak ko nang bonggang bongga). Bilang tulong na rin sa ating huradong si @tpkidkai na ngayon ay nagdiriwang kanyang kaarawan, ibinuod ko ang lahat ng mga sumali sa ating patimpalak.
Siyempre pa, huwag nating kalimutan ang mga saling ket-ket ng patimpalak. (Mga ayaw paawat sa pagsusulat)
Salingketket | Pamagat |
---|---|
@twotripleow | BATANG 90'S. |
@tpkidkai | Ako Ay Batang 90's |
@romeskie | Alaala ng Kahapon |
At bilang maraming nag DM sa akin at nagmamakaawang bigyan pa sila ng pagkakataon, at bilang busy din ang ating hurado sa kanyang kaarawan (sana maambunan tayo ng kanyang handa, kahit pansit man lang), ay dadagdagan natin ang palugit ng ating patimpalak. Pero siyempre pa, may sorpresa na akong nakalaan para sa mga maaga at on time na nagsumite ng kanilang mga entry.
(Paalala, wag po masyadong mag-expect. Bukod sa mahirap lang si mamang, masakit sa kalooban pag masyadong umasa.)
Hanggang Lunes po ng hatinggabi, ika-18 ng Hunyo, 2018 ay tatanggap pa po tayo ng mga kalahok.
Huwag nyo pong kalilimutang i-comment sa post ang link ng inyong entry. :)
Ano pa'ng hinihintay nyo? Sali na!