RETRO 2022

in padayonretro •  2 years ago 

Buwan ng Pebrero sa taong kasalukuyan,
Nasama ang aking pangalan sa membro ng ferocious sa grupo ng elysian.
Kung saan madami akong naging kaibigan,
Ito ang pamilyang aking kinabibilangan.

Madaming nag bago simula nung unang tapak ko dito sa retro.
Nadagdagan ang mga patakaran, na nag papanatili sa'tin ng katahimikan.
Lalong dumami at sumaya ang mga taong kasapi nito,
Lumawak ang kaalaman na binabahagi sa karamihan.

Tinuring kong pangalawang pamilya,
At nag sisilbi ding pag asa.
Sa mga taong akala nila sila ay nag iisa.
Nag karoon ng makakapitan sa panahon na tayo'y sukong suko na,
At sa panahon na walang ibang karamay kundi sila.

Nag tuklas ng maraming talento na nag pa taas ng tiwala sa sarili ng kahit sino,
Nag bigay din ito ng Inspirasyon sa maraming myembro.
Kasama natin sa pag aaral at pag sagot sa maraming tanong, na sa isip natin ay gumugulo.

Ito ang grupo na kinabibilangan ko,
Mula sa online platform ay may pamilyang nabuo.
Sa tulong na din nito, maraming problema ang natakasan ko,
Ito ang Retro na pinag mamalaki ko sa maraming tao.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!