Kung tayo ay nagmamahal sa isang tao ay walang expiration o walang pagsasawa kahit na anu man o sinu man siya,dahil sila ay Mahal natin, kahit na masaktan ka man ng dahil sa pag ibig na ito, okay lang dahil ito ay Mahal mo, tayong nagmamahal ay isang marter,marter sa pag ibig,dahil may nakita nga ng Mali OKay parin kase nga Mahal natin,sa sobrang Mahal natin Hindi narin natin namalayan na sinaktan na rin natin ang ating mga sarali.
Kaya ang pagmamahal ay walang expiration date,dahil habang tayoy may hininga patuloy parin tayong magmamahal hanggang sa wakas ng ating buhay,ang pagmamahal ay hanggang sa dulo ng walang hanggan,kaya kung tayo man ay magmahal hindi tayo maghintay ng kapalit na mahalin tayo dahil kung tayo ay magmahal ay isang wagas at dalisay,kaya nga ang pagmamahalan ay walang itong expiration date.
Habang tayoy nabubuhay dito sa mundong ito patuloy parin ang ating pagmamahal sa ating Mahal sa buhay,kahit na maraming pagsubok sa buhay,kahit na mabigat o magaan na suliranin patuloy parin ang ating pagmamahalan dahil wala ngang expiration sa ating pagmamahal sa isang tao, ipaglaban natin hanggang sa dulo ng ating buhay ang ating pagmamahal, lahat ng balakid sa buhay kaya natin hadlangan sa ngalan ng pag ibig, kaya sa bawat tao nagmamahal dito sa mundo kailangang magapakatatag at pahalagahan natin kung anung mayron tayo,aalagaan natin ang lahat ng Mahal sa buhay,isakripisyo natin ang lahat lahat ng dahil sa wagas ng pag ibig natin sa ating mga Mahal sa buhay, dahil ang ating pagmamahal ay habang sa wakas ng ating buhay,kaya nga masasabi natin na sa pagmamahalan ay walang expiration date dahil kahit anu pang balakid dumating sa ating buhay ipaglaban natin ang pag ibig upang makamtan natin ang mga pangarap natin para sa wagas na pagmamahal,huwag tayong mawalan ng pag asa, tatawag tayong lagi sa ating panginuong diyos dahil siya lang ang nakakaalam sa lahat ng ating buhay.
Kahit na itoy usaping pag ibig,dahil siya lang ang nakakaalam kung anung mangyayari sa ating hinaharap,kaya palagi tayong magdasal at hihingi ng tulong sa kanya,sa lahat ng gusto nating mangyari sa ating buhay,kaya kahit anu pa man ang dumating na mga pagsubok sa ating pagmamahalan huwag hahayang masira ito dahil lang sa mga suliranin dumating sa ating buhay,magdasal tayong lagi upang tayong tulungan niyang lagi,kahit anu pang mangyayari huwag nating hahayaan na masira ang ating pagmamahalan dahil lagi nating tatandaan na ang pagmamahalan ay habang tayoy nabubuhay pa dito sa mundong ibabaw,ang tunay na pagmamahalan ay walang expiration date, ito ay hanggang sa wakas ng ating buhay.
Merong hugot ah... (^_^) Pero bibigyan kita ng payo tungkol sa pagmamahal o pag ibig. Marami kasi ang uri ng pagibig ngunit kung meron ka nito, lahat ay iibigin mo. Sana naituro ito sa inyo sa loob ng inyong samahan.
1 Corinthians 13:4-7
Ang Dating Bibllia 1905
4- Ang pagibig ay mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pagibig ay hindi nananaghili; ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo.
5- Hindi naguugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama;
6- Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan;
7- Lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis.
1 Corinthians 13:13
Ang Dating Bibllia 1905
13- Datapuwa't ngayo'y nanatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; nguni't ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig.
Loobin nawa na manatili ito sa iyong puso araw-araw at oras-oras...
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit