Ibat ibang aspeto ang pagmamahal, may pagmamahal sa pamilya natin, pagmamahal sa kapwa natin, pagmamahal sa sarili,kahit na anung klasing pagmamahal, ay Hindi matutumbasan ng kahit anung yaman dito sa mundo ang pagmamahal.
Hindi mabili ng salapi ang pagmamahal ng isang tao sa kapwa nya, alam nating lahat na ang pagmamahal ay pinakamahalaga dahil Hindi tayo makabuo ng pakikipagkapwa tao kung walang pag mamahal sa kapwa natin, Hindi natin kayang magpatawad kung walang pagmamahal sa ating puso, kahit gaano ka man ka yaman dito sa mundo, kahit gaano ka man kakilala o kasikat dito sa mundo, kahit gaanu kaman kaganda dito sa mundo, kung wala kang pagmamahal Hindi buo ang pagkatao mo. Dahil ang pagmamahal ay makapangyarihan dito sa mundo,Hindi mo kayang bilhin o tumbasan ng kahit anu mang yaman dito sa mundo,dahil ang pagmamahal ay handang magsakripisyo ng lahat lahat para lang sa pag mamahal at kayang ibuwis ang sariling para lang sa pag mamahal.
Kaya pakahalagahan ang mga taong mahal mo sa buhay dahil kahit kylan hinding-hindi mabibili ng pera ang salitang pagmamahal. Kahit gaano kapa kayaman kung walang nagmamahal ito ay wala ring kwenta.