HALALAN 2019

in partiko •  6 years ago 

Basahing mabuti, unawain, at tandaan ang mga hakbang pagdating ng eleksyon.

  1. Siguraduhing ikaw ay rehistrado. Isang taon ang ibinigay ng Commission on Elections (Comelec) para gawin ito at upang maiwasan ang mga flying voters. Tandaan, No Bio, No Boto.

  2. Magdala ng IDs upang mapabilis ang proseso ng pag-verify ng inyong pagkakakilanlan. Iminumungkahi ang government-issued ID tulad ng lisensya, SSS/GSIS ID o pasaporte.

3 Kung ikaw naman ay isang PWD (Person with Disability) huwag kalimutang dalhin ang iyong PWD ID. May special voting place para sa mga botanteng may kapansanan, kung saan ay may special assistance na nakalaan para sa inyo.

  1. Para sa senior citizens, maaaring bumoto sa regular na presinto, at bibigyan ng prayoridad.

  2. Iwasang magsuot ng gamit na may pangalan ng mga kandidato at partido, kagaya ng t-shirts, pamaypay, sun visor cap, baller o ano pa mang uri ng kagamitan na may bahid ng pangangampanya sa oras ng pagboto. Ipinagbabawal ito ng Comelec at maaari kayong sitahin habang nasa pila pa lamang.

  3. Mas maigi na maagang alamin kung saang lugar ka boboto at kung ano ang iyong precinct number. Maaari din naman kayong bumisita sa tanggapan ng Comelec sa inyong lugar bago ang araw ng eleksyon upang alamin ito. O maaaring subukan na bumisita sa website ng Comelec at gamitin ang kanilang precinct finder.

  4. Isulat sa kapirasong papel ang inyong precinct number at dalhin ito sa araw ng halalan.
    Makatutulong ang pagsusulat ng kodigo na listahan ng mga kandidatong iboboto at ang kanilang numero sa balota. Sa ganitong pamamaraan, mapapabilis ang inyong pagboto at hindi na makakaantala sa mga iba pang nakapila.

  5. Hanapin agad ang iyong pangalan sa Election Day Computerized Voter’s List (EDCVL) pagdating sa precinct at bibigyan ka ng isa sa mga miyembro ng Board of Election Inspectors (BEI) ng balota.
    Mapapansin mong iba na ang balotang gagamitin.

  6. Hindi na ito kasing haba ng balotang ginamit nung 2013 election. Mas maiksi ito nang kaunti at BACK-TO-BACK ang laman, kaya’t huwag kakalimutang tingnan ang likod bago umalis sa voting area.

  7. Hindi mo na kailangan pang magdala ng sariling ballpen sa araw ng eleksyon. Bibigyan ka ng BEI ng isang marking pen at ballot secrecy folder upang gamitin sa pagboto. Ang ballot secrecy folder ay ginagamit upang takpan ang iyong balota habang bumoboto.

  8. Gamit ang marker, punuan nang mabuti ang bilog na hugis itlog na makikita bago ang pangalan ng inyong iboboto.

  9. Iwasang mapunit, matupi, magusot o mabasa ang inyong balota sapagka’t maaaring hindi ito tanggapin ng vote-counting machine o VCM.

  10. Tandaan! Hindi na maaari pang kumuha ng panibagong balota kapag nangyari ito dahil mayroon lamang sapat na balota para sa lahat ng mga botante.

  11. Pagkatapos bumoto, lumapit sa VCM upang ipasok ang inyong balota. Kahit baliktad, paharap o una likod, okay lang.

  12. Babasahin ng VCM ang balota mo at ipapakita sa screen ang mga binoto mo. Ipapakita din kung may undervote o overvote ka. Hindi touchscreen ang VCM. Para makita mo yung kabuuan ng nakasaad sa balota mo, pindutin ang ↑ o ↓ para makapag-scroll ka pataas at pababa.

  13. Pindutin ang berdeng check (√) kung gusto mo nang ipabilang ang balota mo. Ang undervote o overvote ay maaaring balikan ng isang beses. Kung may undervote ka at nais mo itong balikan, pindutin mo ang ekis (×) at bumalik sa voting area. Kung tapos na, ipasok muli ang balota sa VCM at pinduting ang check (√).

  14. Tandaan! Ikaw lamang ang maaaring makakita ng iyong screen pagkatapos mong ipasok ang iyong balota sa VCM. Siguraduhin na ang sinumang miyembro ng BEI ay nakatayo lang dapat sa likod ng VCM at hindi nakikisilip lalo na’t hindi ka naman nagpapatulong.

  15. Maglalabas ng resibo ang VCM na naglalaman ng mga binoto mo. Tingnan ito at kung maayos na nabilang ang iyong boto, ipasok sa kahon ang resibo. Tandaan! Hindi ito maaaring iuwi o kuhanan ng selfie.

  16. Pagkatapos ay ibigay muli sa BEI ang ballot secrecy folder at ang marking pen sapagka’t hindi din ito maaaring iuwi.

  17. Kung ikaw ay may katanungan, lumapit sa miyembro ng BEI at doon magtanong. Huwag magtanong kung kani-kanino. Hindi sa watcher, hindi sa pulis o sa kung sinuman na kasamahan mo, sa BEI ka lang pwedeng lumapit.

Source:
www.pep.ph/news

SUBSCRIBE NOW TO MY YOUTUBE CHANNEL:
www.youtube.com/ChristianBalagtasVlogs
www.youtube.com/ChristianBalagtasVlogs
www.youtube.com/ChristianBalagtasVlogs

#HALALAN2019

Posted using Partiko Android

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Source
Plagiarism is the copying & pasting of others work without giving credit to the original author or artist. Plagiarized posts are considered spam.

Spam is discouraged by the community, and may result in action from the cheetah bot.

More information and tips on sharing content.

If you believe this comment is in error, please contact us in #disputes on Discord

Thank you so much for being an awesome Partiko user! You have received a 1.39% upvote from us for your 289 Partiko Points! Together, let's change the world!

Hi! I am a robot. I just upvoted you! I found similar content that readers might be interested in:
https://www.pep.ph/news/106917/mga-dapat-tandaan-sa-pagboto-sa-may-9

Upvoted and resteemed brother! 💪👏🏽

Posted using Partiko iOS

Congratulations @xtianbalagtas! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :

You received more than 10 upvotes. Your next target is to reach 50 upvotes.

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last post from @steemitboard:

SteemitBoard - Witness Update
Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!