ISANG TULA PARA SA PAGLAYA

in philippines •  5 years ago 

Ngayon ay araw ng kalayaan
Araw na kaabang-abang
Pag-alala sa mga kabayanihan
Ng ating mga bayani na kagalang-galang.

Sila'y nakipaglaban sa mga dayuhan
Na nais kumamkam
Sa mga likas na kayamanan
Ng ating bansang minamahal.

Ang araw na Ito ay dapat pahalagahan
Lalo na ang mga taong nagbigay daan para sa kalayaan
Tularan ang mga mamamayan na inisip ang kapakanan
Ng ibang tao at mga susunod na kabataan.

Ang ating kulay na kayumanggi
Ginawa ng Diyos na katangi-tangi
Biyayang maipagmamalaki Ng sinuman
Sa lahat Ng tao sa sansinukuban.

Kalayaan at Karapatan natin ay Kay dami-dami
Pero 'di natin makakamtan Kung 'dI dahil sa mga bayani.
Buhay na walang hanggan ay bigay ng ating Diyos na may lalang
Kaya dapat pahalagahan at gawing kapaki-pakinabang.

Happy Independence Day ❤️❤️🇵🇭🇵🇭

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations @eynjhel-desilva! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 2 years!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Do not miss the last post from @steemitboard:

Use your witness votes and get the Community Badge
Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!