Parang kailan lang
nung tayo'y naging tunay na magkaibigan
ang bilis ng panahon
Di ko na namalayan pag bagsak ng mga dahon.
Kahit na walang pera
ang bawat umaga'y puno ng tuwa
kung saan saan napapadpad
dinadaan lang sa tawa ang paglalakad.
Saksi ang araw at ang ulan
sa ating masarap at tunay na samahan.
Gisingin mo ang panibagong bukas
at hahawiin ko ang ulap sa itaas
lumuha ka man lilipas din yan
isipin mo lang na meron kang
kaibigan na nandito lang sayong likuran..
maligayang Paglalakbay
-roi-