Mahika ng Sining

in philippines •  7 years ago  (edited)
received_1724958207591374.jpegreceived_1710810965672765.jpeg

Sining ng Mahika

by @pengrojas

Isang guhit ng linya.
Dalawang kulay na magkaiba.
Tatlong mga ideya ang nalikha.
Sa bawat kumpas ng kamay na nakakamangha.

Maniniwala ka ba kung sasabihin kong may mahika ang bawat likha?
Dahil sa bawat sining na nagagawa ay isang hindi pangkaraniwang obra ang nakikita.
Dahil ang Sining na ginamit sa bawat pagmanipula.
Ng tono sa bawat musika. Ng linya sa bawat guhit na ginawa minsan ay hindi sinasadya.

Mga Alagad ng sining kung sila ay tawagin.
Bawat kumpas ng kamay gamit ang lapis o kahit anong kanilang naisin.
Naghihirap, nangangamba. Naghahanap at hindi alam kung meron nga ba.
Isang Obrang matatawag talaga, sa likod ng mapaglarong mundo.
At sa bawat katotohanan sa likod kasinungalingang nabubuhay rito.

Pero ang mahika nito ay sadyang hihilahin ka pabalik.
Yayakaping buo at walang hihigit.
Dala nito sa bawat tao'y kasiyang hindi kailanman mahahagip.
Ng pera o ginto sa ating paligid.

At kung mga Obra ay titignan gamit ang iba't ibang mata.
Mahika nito'y maiintindihan mo talaga.
Dahil sa bawat matang nakatitig iba't ibang pananaw ang nakikita.
Sa bawat musikang naririnig magkaibang emosyon ang nadarama.
Dahil ito ang tunay na Mahika ng bawat Sining simula pa noong sinauna.

received_1635593173194545.png

Banner photo by Ian Abalos, graphics by @bearone


Big "Thank you" to @pengrojas for this poem, apologies to our English friends as it's in Filipino. Payouts will be divided as 50/50 between her and our @walkofhope account for future usage with our Music and Arts Project.

Disclaimer: credits to @flabbergast-art for all the images.



















Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Beautiful words! Keep inspiring po!

Di po ako yan eh, it's @pengrojas

Hahaha didn't see that, pwede po pala. Kudos @pengrojas!

She will see your comment..thanks!

thank you po 😊😊

you're welcome @pengrojas ...waiting for more.

Ang galing po ni Peng dito. Nailahad nya ng mahusay ang buhay ng isang obra para sa akin. Salamat po sa pagbabahagi nitong piyesa @immarojas

Thanks kuya..yaan mo, mababasa nya tong comment mo.

😍😍 salamat pooo! @toto-ph masaya akong ibahagi sa inyo ang mga simpleng obrang nagagawa ng aking munting pag iisip haha 😂

So cool!!