Sapanahon ngayon, ang mga buhay nating mga kabataan ay umiikot na sa social media. Ang iba, hindi mabubuhay pag hindi nakapag log in o makapag online sa kanilang mga facebook. Halos lahat ng mga apps tulad ng twitter, snapchat, facebook at intagram ay mayroon tayong mga kabataan. Dahil sa mga apps na ito, madami tayong nalalaman na impormasyon. Mapa-balita, memes, jokes at fake news pa yan, lagi tayong updated at hindi mag papahuli sa uso.
Madami ding mga "internet secrets" ang nabunyag o nalaman na natin. Tulad ng deep web at iba pa. Ngunit ang hindi alam ng karamihan may sikretong mundo na nag eexist sa internet specifically sa facebook na itinatawag na role player's world (rpw) at fictional character world (fcw). Ano nga ba ang makikita sa mga mundong ito?
Karamihan sa mga taong nasa rpw ay mga kpop fans. Kung saan gagawa sila ng fb account at irorole play o gagayahin ang kanilang mga bias. Ang mga picture na kanilang mga ginagamit ay ang mga picture ng kanilang bias o mga ppicture ng kanilang nirorole play. Hindi lang mga kpop fans ang mga tao dito. Mayroon ding mga accounts na ang mga ginagaya o nirorole play ay sina Kylie Jenner, Kendall Jenner, Lucky Blue Smith at iba pang mga sikat. May roon silang group sa facebook kung saan dito sila nag uusap, humihingi ng tulong, nakikipag kaibigan at iba pa. May mga families din na itinatayo dito, kung saan makakahanap ka ng mga taong ituturin mong tunay na pamilya. Sa isang family, may mga activities na ginagawa upang mapanatiling masaya ang kanilang samahan. Mayroon ding tinatawag na fan service (fs) dito.
Ito ang group ng mga rpers.
Ano naman ang fcw? Halos kaparehas lang ng rpw. Konti lang ang pinag kaiba. Ang mga tao naman sa fcw ay kadalasan mga nag babasa sa wattpad. Ang mga paburito nilang character sa wattpad ang gagawan nila ng account. Tulad sa rpw, mayroon ding pamilya na itinatayo dito at mayroon ding group.
ito ang group ng mga fcs
Bakit nga ba palaki ng palaki ang populasyon ng mundong ito?
Kadalasan sa mga sumasali dito ay gusto lamang maging totoo sa sarili. Dahil dito, nasasabi nila ang mga gusto nilang sabihin ng walang pangangamba. Malaya nilang na eexpress ang kanilang mga sarili. At ang iba naman, gusto lang nila suportahan ang mga idols nila.
Kung ikaw ay may balak sumali sa mga mundong ito, ito ay ilan sa mga dapat mong tandaan:
·Operator- ikaw
·Portrayer(port)- ginagaya mo or yung picture na ginagamit mo.
Yun lamang. Salamat!! 💖
napakagaling naman ng iyong ginawa. ako ay tunay na nabighani at wala akong masabi dahil ako ay nabighani. nako day ipag patuloy mo lang yan. mahal na mahal ka ng nanay mo.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Papunta ka na sa bagani
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hindi ako nagawi dyan sa rpw at fcw. Ngayon ko lang nalaman yan. Hahaha salamat sa munting artikulong ito.
Sana ay ang ibang nandyan sa mga grupong iyan ay sumali din sa steemit para mas dumami pa ang likha na Filipino.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit